Diskurso PH
Translate the website into your language:

“From low-key to forever? Pampi Lacson at Iwa Moto, engaged na?!?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-19 21:27:18 “From low-key to forever? Pampi Lacson at Iwa Moto, engaged na?!?

Pampi Lacson at Iwa Moto engaged na ba? Matapos magbahagi si Iwa ng isang Instagram post na agad nagpa

excite—at nagpa-marites—sa mga netizen. 

Sa naturang post sa Instagram, makikita ang isang very intimate at sweet na moment ng dalawa na tila may something special na ipinagdiriwang. Walang direktang caption na nagsasabing “engaged na kami,” pero teka—kailangan pa ba talagang sabihin nang deretsahan kung ang larawan mismo ang sumisigaw ng “YES”??? 

Hindi naman nagpahuli ang mga netizen sa pagbibigay ng kani-kanilang reaksiyon. May nagsabing, “Tagal na nila!” na para bang matagal nang hinihintay ang proposal. Ang tanong tuloy ng bayan: matagal na ba talagang engaged ang dalawa at ngayon lang ibinunyag, o fresh na fresh lang ang engagement na ito? 

Mas lalong naging juicy ang usapan nang may netizen na nagkomento na “ready na raw ang gown,” base sa biro ng isang kakilala. Hala—ibig sabihin ba nito ay may wedding preps na? May lihim na bang ginagawang plano? At kung meron man, gaano na ito ka-advance?

May isa pang netizen ang nagbahagi ng mas personal na detalye—ikinuwento niyang naging kaklase raw niya si Pampi noon sa kolehiyo at kilala itong tahimik at simple lang. Ayon pa sa kanya, madalas daw dumalaw noon ang nobya. Dito tuloy napaisip ang marami: simple nga ba talaga ang type ni Pampi, at si Iwa ang eksaktong swak sa kanyang puso? O may iba pang dahilan kung bakit umabot sa engagement ang kanilang love story?

Sa kabila ng lahat ng tanong at hula-hula, isang bagay ang malinaw: suportado ng karamihan ang dalawa at masaya ang fans na makita silang umabot sa panibagong yugto ng kanilang relasyon.

Kailan ang kasal? Tahimik lang ba ito o bongga? Civil wedding ba muna o rekta na sa grand ceremony? At sino-sino kaya ang nasa guest list?