Diskurso PH
Translate the website into your language:

Sofia Trazona, sinaktan nga ba ng stepdad na si Alvin Aragon?!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-19 09:30:26 Sofia Trazona, sinaktan nga ba ng stepdad na si Alvin Aragon?!

Mainit-init pa sa kawali ang rebelasyon ni Sofia Trazona, ang trans daughter ni dating SexBomb member Izzy Trazona, tungkol sa naging karanasan niya sa kamay ng kaniyang stepfather na si Alvin Aragon.

Sa pinakabagong vlog ng batikang talent manager na si Ogie Diaz, nag-open up si Sofia tungkol sa isang insidenteng hinding-hindi niya malilimutan. Ayon kay Sofia, noong 12 years old pa lang siya (Grade 7), nakaranas siya ng "physical contact" mula kay Alvin.

Kuwento ni Sofia, nangyari raw ito noong panahong naghihirap ang pamilya nila at napilitan silang lumipat mula Mandaluyong patungong Cavite. Dahil malayo ang school sa tirahan, talagang sakripisyo ang pagbiyahe. Isang gabi raw, na-late siya ng uwi dahil bumili pa siya ng exchange gift at inabot ng dagsa ng tao sa terminal—ang sikat na "Christmas rush."

Pag-uwi raw niya kinabukasan, doon na raw siya "nahit" o napagbuhatan ng kamay ni Alvin dahil sa pag-aalala (o galit?).

“Naiintindihan ko naman kasi nag-ca-care sila sa akin tapos nag-aalala din pero wala naman akong kasalanan,” ani Sofia.

Bagama't nag-sorry naman daw si Alvin at hindi na naulit, hindi raw maiwasan ni Sofia na ma-shock dahil kahit ang biological parents niya na sina Izzy at Michael Navarro ay hinding-hindi raw siya sinaktan nang pisikal.

Siyempre, hindi tayo papayag na matapos ang chika nang walang katanungan na magpapakunot ng noo niyo:

Acceptance o Tolerance lang? Kung noon pa man ay may "disiplinang" ganito, ito kaya ang dahilan kung bakit tila mailap si Sofia sa kaniyang stepdad ngayon, lalo na’t naging matapang ang pahayag ni Alvin kamakailan tungkol sa homosexuality at sa Bibliya?

The Biological Dad Wins? Bakit tila "Papa's Girl" ngayon si Sofia sa biological father niyang si Michael Navarro? Dahil ba sa makeup at hormones na suportado ng tatay, o dahil mas "safe" ang pakiramdam niya rito?

Mama Izzy, nasaan ka? Bilang ina, ano kaya ang naramdaman ni Izzy nang saktan ng kaniyang asawa ang kaniyang panganay? Nanatili ba siyang tahimik para sa "kapayapaan" ng pamilya o dahil sa kaniyang pananampalataya?

Ano sa tingin niyo, mga ka-Marites? Tama lang ba na "patawarin" ang pisikal na pananakit kung "out of concern" naman daw ito, o sign na ito ng mas malalim na lamat sa kanilang pamilya?