Diskurso PH
Translate the website into your language:

Eric Dane ng 'Grey’s Anatomy' at 'Euphoria', namaalam na sa edad na 53

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-20 18:12:36 Eric Dane ng 'Grey’s Anatomy' at 'Euphoria', namaalam na sa edad na 53

Nagulantang ang international showbiz world matapos kumpirmahin ang pagpanaw ng Hollywood actor na si Eric Dane, na minahal at hinangaan ng milyon-milyong fans sa buong mundo. Sa edad na 53, tuluyan nang namaalam ang dating ultimate crush ng bayan matapos ang tahimik ngunit matinding laban sa ALS o amyotrophic lateral sclerosis.

Ayon sa inilabas na pahayag ng pamilya, maayos at payapa raw ang kanyang pagpanaw. Hindi siya nag-iisa—kasama niya hanggang sa huling sandali ang kanyang asawa, mga malalapit na kaibigan, at ang kanyang dalawang anak na sina Billie at Georgia. Grabe, mare, mapapahawak ka na lang talaga sa dibdib sa lungkot. 

Matatandaan na si Eric ang isa sa mga pinaka-iconic na character sa Grey’s Anatomy bilang si Dr. Mark “McSteamy” Sloan—ang doktor na dahilan ng sabay-sabay na pagbagal ng tibok ng puso ng mga manonood noon. Hindi lang siya basta pogi, may depth at drama pa, kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon, usap-usapan pa rin ang karakter niya.

Pero hindi doon nagtapos ang kanyang career glow-up. Sa mas mature at mas madilim na papel, muling pinatunayan ni Eric ang kanyang husay sa Euphoria, kung saan ginampanan niya ang kontrobersyal na Cal Jacobs—ang problematic na ama ni Nate, na ginampanan ni Jacob Elordi. Aminin na natin, mare, kahit galit na galit ka sa karakter niya, hindi mo pa rin maikakaila na ang lakas ng dating niya sa screen. 

Bukod sa telebisyon, active rin si Eric sa pelikula. Ilan sa kanyang mga notable films ay X-Men: The Last Stand, Marley & Me, Wedding Wars, Valentine’s Day, Burlesque, The Last Ship, at Bad Boys: Ride or Die. Iba’t ibang genre, iba’t ibang karakter—talagang patunay na hindi lang siya pang-kilig, pang-acting din talaga.

Matapos lumabas ang balita ng kanyang pagpanaw, bumaha agad ang tribute at pakikiramay mula sa fans, co-stars, at kapwa artista. Marami ang nagsabing si Eric ay hindi lang mahusay na aktor kundi isang mabuting kaibigan at hands-on na ama. Ibang klaseng pagkawala ito, mare.

Sa huli, iiwan ni Eric Dane ang isang pamana ng mga karakter na tumatak, eksenang hindi malilimutan, at isang karismang hindi basta-basta mapapalitan.

Paalam, McSteamy. Salamat sa init, drama, at alaala.