Kyline Alcantara, inlove na inlove kay Sandro Marcos?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-22 23:48:41
Totoo kayang may sumisita na umano kay Kyline Alcantara dahil sobra na raw ang pagka-in love nito?
At sino nga ba ang lalaking sinasabing dahilan ng biglang glow at sosyal vibes ng aktres?
Usap-usapan sa ilang sulok ng showbiz na hulog na hulog daw si Kyline kay Cong. Sandro Marcos. Anak ng Pangulo at ng First Lady—kaya naman hindi na raw kataka-taka kung bakit tila biglang nag-level up ang lifestyle ng young actress.
Pero teka… totoo nga ba ito?
Kung may namamagitan sa kanila, bakit walang umaamin?
At kung wala naman, bakit ang daming nagbubulong-bulungan?
Ayon sa mga marites na laging naka-abang, matagal-tagal na raw umanong nagkakausap ang dalawa. Tahimik lang, walang public sightings, walang sweet posts — pero sapat na raw ang mga galaw para magduda ang mapanuring mata.
Napapansin din daw ng ilan na sosyal-sosyalan si Kyline lately. Branded mula ulo hanggang paa, at kapag nagta-travel, parang fashion spread ang peg — matching lahat, high-end, at very alta ang aura.
Coincidence lang ba ‘yon?
O may inspirasyon lang talaga sa likod ng camera?
May mga nagsasabing pinagsasabihan na raw ang aktres na maghinay-hinay, lalo na’t sensitibo ang sitwasyon kapag showbiz at pulitika ang pinagsama.
Pero kung walang katotohanan, bakit kailangang sawayin?
At kung meron man… hanggang kailan mananatiling sikreto?
Sa ngayon, walang kumpirmasyon at puro tanong pa rin ang umiikot.
Pero alam naman natin sa mundo ng showbiz — kung may usok, may pinanggagalingan?
