Diskurso PH
Translate the website into your language:

Suntukan?! Derek, hinamon daw si John Lloyd; Ellen, tinawag na ‘Narcissistic’ ng kampo ni Ramsay!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-22 21:35:46 Suntukan?! Derek, hinamon daw si John Lloyd; Ellen, tinawag na ‘Narcissistic’ ng kampo ni Ramsay!

Mga ‘teh, maupo muna kayo dahil heto na naman ang ating favorite "Cebuana socialite" na si Ellen Adarna! Akala ba natin ay tahimik na ang co-parenting nila ni John Lloyd Cruz at ang pagsasama nila ni Derek Ramsay? ‘Yun pala, may mga "pasabog" na nagaganap sa likod ng mga pintuan sa Alabang!

Sa kanyang latest Instagram Stories, hindi nakapagpigil si Ellen na ilabas ang ilang "fun facts" na ikinawindang ng mga followers niya. Ang chika: Hinamon daw ni Derek si Lloydie ng away in real life! Matapang na binitawan ni Ellen ang linyang: “Sabi nga ni Popoy: ‘Malaki ka lang pero hindi mo ko kaya!’ Hahaha char!”  Ano kaya ang naging mitsa para umabot sa hamunan ng suntukan ang dalawang nag-guwapuhang leading men? May kinalaman ba ito sa selos, o baka naman may "ego" na natapakan?

“Chihuahua” lang daw?

Siyempre, bitin ang mga Marites kung walang detalye. Ayon kay Ellen, hindi naman daw natuloy ang totoong "umbagan." Bakit? Kasi "hindi pinatulan" ni John Lloyd ang asawa niya. Hirit pa ni Ellen, mukha raw chihuahua si Derek na ewan kung na-hypnotize o nalito lang si JL sa dami ng sinabi nito. At take note, mga bes, dalawang beses daw itong nangyari!

Kung si John Lloyd ay nanatiling kalmado, ibig bang sabihin nito ay "move on" na talaga siya, o sadyang mas mature lang siya kaysa kay Derek?

Money Matters & Co-Parenting

In fairview naman kay Lloydie, todo papuri pa rin si Ellen sa kanya pagdating sa pagiging ama kay Elias. Nang lumipat daw sila ng bahay, si JL pa ang nag-offer ng tulong. Pero heto ang plot twist: Ibinunyag din ni Ellen na kahit kasal na sila ni Derek, sarili niyang pera ang ginagastos niya para sa personal needs niya at ni Elias. Mula grocery hanggang toiletries at pati "tampons," kusa raw siyang nag-aabono dahil nahihiya siyang maki-ride on lang.

TEKA LANG: Bakit kailangang mag-abono ni Ellen kung nasa poder na siya ni Derek? Wala ba silang "shared finances," o sadyang independent lang talaga si Mader?

Resbak ng Kampo ni Derek: “Narcissistic!”

Siyempre, hindi papatalo ang kabilang kampo. Isang source na malapit kay Derek ang nag-react at may kasama pang malulutong na mura! Ayon sa source, huwag daw basta maniniwala kay Ellen dahil hindi raw alam ng publiko ang totoong storya. Ang huling hirit: “Sobrang narcissistic niya (Ellen)!”

Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo? Si Ellen ba na "tell-all" ang peg, o si Derek na tahimik pero may "resbak" ang kampo? At higit sa lahat, kailan kaya matatapos ang seryeng ito ng Adarna-Ramsay-Cruz triangle?