Archie binakbakan sa TikTok dahil sa ‘Rita’s’ ice cream post!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-23 00:50:26
Mga ka-Marites! Mukhang hindi pa tapos ang drama kahit tapos na ang boksing sa korte! Usap-usapan ngayon sa TikTok universe ang pasabog na video ng komedyanteng si Archie Alemania. Ang tanong ng bayan: Trip lang ba talaga ang ice cream o may gustong tunawin sa galit?
Sa kumakalat na short video, rumampa si Archie sa isang mall at dumeretso sa isang kilalang gelato kiosk. Ang pangalan ng store? Rita’s.
Habang papalapit sa signage, narinig ang voice-over ni Archie na may kasama pang diin: “Ito ang pinakapaborito kong ice cream gelato, Rita’s! Wow, championship!”
Aba, parang may kung anong pait sa likod ng tamis, ‘di ba? Bakit kailangang i-highlight ang pangalan? At ano ang ibig sabihin ng "championship"? Ito na ba ang bagong paraan ng pagpaparinig ngayon?
Hindi naman tayo ipinanganak kahapon, ‘di ba? Matatandaang nitong nakaraang Oktubre lang ay hinatulan ng guilty sa kasong act of lasciviousness si Archie ng Bacoor City court matapos ang reklamong isinampa mismo ni Rita Daniela.
Kaya naman ang mga netizen, hindi pinalampas ang video! Kaliwa’t kanang resak ang inabot ng aktor sa comment section. Sabi ng isang fan, "Imbis na manahimik at mag-reflect, parang nanunukso pa!"
Sinadya ba talaga ni Archie na sa "Rita’s" bumili para lang makagawa ng content, o nagkataon lang na gutom siya sa gelato?
Bakit "championship" ang term? May pinaghahandaan ba siyang Round 2 o ito ang paraan niya ng pagsasabing "panalo" pa rin siya sa sarili niyang mundo?
Dedma lang ba talaga si Rita Daniela? O baka naman naghahanda na rin ito ng "matamis" na resak?
Sa ngayon, tahimik pa si Rita habang ang mga basher naman ay tila may unli-supply ng gigil kay Archie. Hinihintay na lang natin kung sasagot ang komedyante o hahayaan na lang niyang matunaw ang isyu na parang ice cream sa ilalim ng araw.
