Bianca Manalo, may bagong 'Macho-litiko' na nga ba?!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-27 22:32:47
Akala niyo ba ay nananahimik lang ang ating dating Miss Universe Philippines na si Bianca Manalo matapos ang maingay na hiwalayan nila ni Senator Sherwin Gatchalian?
Nagkakamali kayo! Dahil ang latest scoop na umiikot sa mga social circles ngayon, mukhang "level up" pa rin ang taste ni Mareng Bianca. Mula sa Senado, mukhang lumipat lang daw ang puso niya sa kabilang building—sa Kongreso naman!
Sadyang "type" ba talaga ni Bianca ang mga lingkod-bayan, o talagang doon lang siya sinusundo ng tadhana?
Sino nga ba itong bagong "apple of the eye" ng aktres? Ayon sa ating mga "bubuyog," isang Party-list Congressman daw ito na hindi lang basta pulitiko, kundi galing pa sa alta at elitistang pamilya. Ibig sabihin, "old money" at tunay na rich kid! Pero teka, bago kayo mag-celebrate, may kaunting "spark" ng kontrobersya: Hiwalay na raw ang nasabing pulitiko sa kanyang socialite na misis, pero hanggang ngayon, wala pang official statement ang kampo nila. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit "silent mode" pa rin ang status ng kanilang paghihiwalay?
Kung matatandaan, naging mitsa raw ng paglamig ng relasyon nina Bianca at Sen. Gatchalian noong 2023 ang kumalat na "leaked conversations" nila ng co-star na si Rob Gomez. Matagal ding nanahimik ang dalawa hanggang sa diretsahan nang sinabi ni Senador sa isang interview na "non-existent" na ang kanyang love life. Ouch, ’di ba? Pero parang mabilis namang naka-move on ang ating bida. Ang malaking palaisipan ngayon: Ito na kaya ang "The One" para kay Bianca, o isa na naman itong kabanata na mauuwi sa blind item?
Sino sa mga sikat na Party-list Congressmen ang biglang naging "single" pero tahimik ang social media accounts? May hula na ba kayo kung sinong "alta" ito?
Bakit kaya ngayon lang lumabas ang chika kung kailan wala na ring imikan sa pagitan ni Bianca at ng Senador? Strategized ba ang pag-amin o sadyang "nahuli" lang ng mga paparazzi?
Kung wala pang official announcement ang paghihiwalay ng Congressman at ng socialite wife niya, hindi ba natatakot si Bianca na ma-tag bilang "third party" sa mata ng publiko?
Mula sa mga aktor hanggang sa mga makapangyarihang pulitiko—ano nga ba ang sikreto ni Bianca at laging "high profile" ang mga nagkakagusto sa kanya?
