Diskurso PH
Translate the website into your language:

Michelle, Rhian, at Samantha, pinadalhan na ng subpoena!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-27 01:17:51 Michelle, Rhian, at Samantha, pinadalhan na ng subpoena!

Confirmed na, mga baks! Hindi na lang ito basta bulungan sa kanto dahil opisyal na ngang nag-issue ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa ating Kapuso stars na sina Michelle Dee at Rhian Ramos, kasama pa ang beauty queen na si Samantha Panlilio.

Nag-ugat ang gulo sa reklamo ng dating driver ni Rhian na si "Alyas Totoy." Ayon sa kanya, parang action movie ang nangyari noong January 17 hanggang 19 dahil diumano’y binugbog at ikinulong siya ng grupo nina Rhian sa mismong condo unit ng aktres.

Siyempre, hindi ito pinalampas ng kampo ni MMD! Mariing itinatanggi ng tatlo ang akusasyon. Ayon kay Atty. Maggie Abraham-Garduque (ang lawyer ni Michelle), handa silang harapin ang NBI para magbigay ng sinumpaang salaysay at linisin ang kanilang mga pangalan.

Hindi lang pala si Totoy ang marunong lumaban. Inunahan na siya ni Michelle Dee ng kaso tungkol naman sa "unlawful taking" ng kanyang personal property.

Update kay Alyas Totoy: Namataan siya sa Makati Prosecutor’s Office kahapon pero hiningi raw niya na i-extend ang deadline niya hanggang March 3 para makasagot.

Ultimatum: Kapag hindi pa siya nagsumite ng counter-affidavit sa petsang 'yan, itutuloy na ng fiscal ang kaso for resolution. Gulp!

Habang hinihintay natin ang susunod na kabanata, heto ang mga tanong na nagpapagulo sa isip ng netizens:

Sino ang nagsasabi ng totoo? Posible nga bang magawa ng tatlong beauty queens/actresses ang "pagkulong at pagbugbog" sa isang driver sa gitna ng isang mamahaling condo?

Ano ang "personal property" ni Michelle na kinuha raw ni Totoy? Cellphone ba ito? Importante bang dokumento? O baka naman may "resibo" rito na ayaw nilang lumabas?

Bakit hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng extension si Alyas Totoy? Nag-iisip pa ba siya ng depensa o sadyang wala lang talaga siyang pambato laban sa powerhouse legal team nina MMD?