Kim Molina at Jerald Napoles, Official nang 'Mr. & Mrs.' matapos ang mahabang hintayan!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-03-01 22:42:26
Mga ka-Marites, itigil muna ang pag-scroll sa TikTok dahil may mainit-init pang balita diretso mula sa pampang ng Amorita Resort sa Bohol! Ngayong araw, March 1, 2026, ay tuluyan nang winakasan nina Kim Molina at Jerald Napoles ang kanilang "long-time labeling" at opisyal na silang nag-sumpaan sa harap ng dambana.
Matapos ang mahigit isang dekadang pagsasama (mula pa Rak of Aegis days noong 2014, 'di ba?), sa wakas ay narinig na natin ang "I Do" ng dalawa. Ayon sa ating mga nasagap na chika, si Kim daw ang 100% na nasunod sa wedding preparations. Sabi nga ni Jerald, sa kanya raw ang "dream proposal" (yung may pa-handcrafted ring pa noong 2024), kaya ibinigay na niya kay Kim ang "dream wedding" nito. Bongga, 'di ba? Sana lahat may Jerald!
Star-studded din ang attendance list, mga Bes! Nakita sa paligid sina Aga Muhlach, Yassi Pressman, at Kuya Kim Atienza. At siyempre, hindi mawawala ang usap-usapan tungkol sa suot ni Kim na likha ng sikat na designer na si Mak Tumang. Aminin natin, talagang "Kim-panyero" at "Kim-panyera" ang aura ng dalawa sa ilalim ng araw sa Bohol!
Dahil March 2 ang birthday ni Jerald, ito na ba ang ultimate birthday gift nila sa isa’t isa? May "KimJe Junior" na kaya tayong aabangan bago matapos ang 2026?
Sa ganda ng setup sa Amorita Resort at sa dami ng bigating celebs, magkano kaya ang inabot ng "dream beach wedding" na ito? True ba ang chika na "no expense spared" para sa kaisa-isang Kim Molina?
Saan naman kaya ang lipad ng bagong kasal? Local beach pa rin ba o baka naman out-of-the-country na para sa kanilang first night as husband and wife?
