Diskurso PH
Translate the website into your language:

Na set-up nga ba? The Big Four, nahulog sa bitag ng 'Indecent Proposal' at Hidden Cam?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-03-04 11:40:42 Na set-up nga ba? The Big Four, nahulog sa bitag ng 'Indecent Proposal' at Hidden Cam?

Patuloy na pinagpipistahan sa social media ang diumano’y kumakalat na "private videos" nina Gil Cuerva, Arron Villaflor, Ron Angeles, at Nikko Natividad. Habang ang ilan sa mga sangkot ay tila "unbothered" at ang iba naman ay mariing itinatanggi ang isyu, isang bagong teorya ang lumulutang ngayon sa r/ChikaPH: Ang apat ba ay nabiktima ng isang planadong "set-up"?

Ayon sa isang post na viral ngayon, isang nagpapanggap na "mayamang bakla" diumano ang nag-alok ng daang libong piso sa mga male influencers kapalit ng isang "indecent proposal." Ang twist? Ayaw daw ng mga lalaki na makunan ng video, kaya pumayag ang mastermind na "no cameras allowed"—ngunit lingid sa kanilang kaalaman, mayroon umanong hidden camera na nakatago sa silid.

Kung totoo ang teoryang ito, sino ang "mastermind" na handang magbayad ng malaking halaga para lamang i-record at ipahiya ang mga kilalang personalidad na ito?

Dagdag pa sa chika, ang babaeng nakita sa video ay sinasabing isang "Alter" o sex worker na binayaran din para makipag-ugnayan sa mga aktor. Sinasabing "downpayment" lamang ang naibigay sa mga biktima at maaaring hindi na sila nabayaran nang buo dahil wala namang pormal na kontrata sa ganitong uri ng usapan.

Habang wala pang opisyal na kumpirmasyon kung "legit" o "lookalike" lang ang mga nasa video, mabilis na kumalat ang mga screenshots na nagpapakita ng pagkakahawig ng background at maging ng babaeng kasama sa mga hiwalay na video. Marami ang nagtatanong: Paanong ang apat na magkakaibang lalaki ay napunta sa iisang sitwasyon at iisang babae?

Ito na nga ba ang bagong mukha ng "extortion" sa showbiz, o sadyang naging mapangahas lang ang mga nasabing influencers sa likod ng camera?

Sa gitna ng ingay, nagpaalala naman ang ilang netizens tungkol sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act (RA 9995). Kung mapapatunayan na "hidden camera" nga ang ginamit nang walang pahintulot, ang pagpapakalat nito ay isang mabigat na krimen na may karampatang parusang kulong at multa.