‘What a disgusting man!’: Jasmine Curtis-Smith, rumesbak sa ‘bastos’ na hirit ni Rep. Bong Suntay tungkol kay Anne
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-03-04 11:05:20
Hindi pinalampas ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ang kontrobersyal na pahayag ni Quezon City Representative Bong Suntay tungkol sa kanyang ate na si Anne Curtis. Sa gitna ng seryosong impeachment hearing laban kay VP Sara Duterte nitong March 3, tila nakuha pang isingit ng mambabatas ang kanyang "pantasya" sa aktres, na naging mitsa ng matinding diskusyon online.
Ayon kay Suntay, nang makita niya si Anne sa isang mall ay inamin niyang may "nagniningas na pagnanasa" siyang naramdaman at may mga "na-imagine" siyang pwedeng mangyari. Bagama’t idinaan sa biro at sinabing "hanggang imahinasyon lang," hindi ito benta sa pamilya Curtis at sa mga netizens.
Sa gitna ng isang pormal at mahalagang hearing sa Kongreso, nararapat nga bang isingit ang pagnanasa sa isang babae bilang "biro" o "ice breaker"?
Sa kanyang X at Facebook accounts, diretsahang tinawag ni Jasmine na “disgusting” ang kongresista. Para sa aktres, hindi lang ito usapin ng pagtatanggol sa kanyang kapatid; isa itong laban para sa lahat ng kababaihan na patuloy na binabastos at ginagawang "objects" sa mga espasyong pinamumunuan ng mga lalaking nasa kapangyarihan.
Aniya, ang pagtrato kay Anne bilang isang "fantasy" o "spectacle" ay nagpapakita ng kultura kung saan ang mga babae ay tinitingnan lang bilang "consumable" sa halip na mga tao na may sariling talino at dignidad.
Maituturing nga lang ba itong "honest compliment" o ito na ang mukha ng harassment na ginagawa mismo ng mga opisyal ng gobyerno?
Binigyang-diin din ni Jasmine na bilang isang asawa at ama, dapat ay mas alam ni Suntay ang tunay na kahulugan ng respeto. Hindi raw sapat na sabihing "imagination lang" ito dahil ang ganitong pananalita ay nagpapatibay sa maling mindset sa lipunan.
Sa ngayon, dumagsa ang suporta mula sa iba pang mga artista at netizens na humihiling na humingi ng public apology ang kongresista. May mga mungkahi rin ang netizens na dapat ay magsampa ng legal na aksyon ang kampo ni Anne Curtis upang magsilbing leksyon sa lahat.
Sapat na nga ba ang isang public apology, o dapat bang sampahan ng kaso si Rep. Bong Suntay para mapatunayan na hindi pwedeng bastusin ang mga babae—sikat man o hindi?
Ano ang sey niyo sa isyung ito? Dapat bang palampasin ang ganitong "biro" ng isang mambabatas, o panahon na para magkaroon ng mas mahigpit na panuntunan sa Kamara pagdating sa pagrespeto sa kababaihan?
