Ahtisa Manalo, opisyal nang Kapuso! Beauty queen, pumirma na ng kontrata sa Sparkle
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-03-11 09:21:08
Opisyal nang bahagi ng Sparkle GMA Artist Center ang reigning Miss Universe Philippines na si Ahtisa Manalo matapos pumirma ng kontrata sa talent management arm ng GMA Network noong Martes.
Naganap ang contract signing sa harap ng ilang Kapuso executives, kabilang sina Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, at Tracy Garcia—na tila very welcoming sa pagpasok ng beauty queen sa kanilang roster.
Ayon kay Ahtisa, sobra raw siyang nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya. “I’m very thankful for the very warm welcome of GMA. I can’t ask for a better family than GMA,” saad niya sa press.
Pero bukod sa simpleng contract signing, hindi maiwasang magtanong ng fans at netizens: ano kaya ang plano ng Kapuso network para kay Ahtisa?
Matatandaang kamakailan lang ay nagtapos ang kanyang journey sa Miss Universe 2025, kung saan nagtapos siya bilang third runner-up. Marami ang humanga sa kanyang performance sa coronation night—lalo na nang rumampa siya sa white two-piece swimsuit at sa eleganteng silver evening gown na talaga namang pinag-usapan online.
Dahil dito, maraming netizens ang curious: didiretso na ba siya sa acting? Hosting kaya? O may teleserye na agad na nakaabang?
May ilan ding nagbibirong fans na baka raw maging bagong leading lady material ang beauty queen, lalo na’t kilala ang Kapuso network sa pag-launch ng mga bagong artista mula sa iba’t ibang industriya.
Sino kayang Kapuso actor ang unang makakapareha ni Ahtisa? May malaking project na ba agad na iniluluto para sa kanya?
