Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ricci Rivero, nag-meet the parents na kay Cong. Goma?! May basbas na ba kay Juliana?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-03-28 10:57:38 Ricci Rivero, nag-meet the parents na kay Cong. Goma?! May basbas na ba kay Juliana?

Agaw atensyon ngayon sa social media ang tila “meet the parents” moment ni Ricci Rivero kasama ang pamilya ng rumored girlfriend niyang si Juliana Gomez. Sa kumakalat na larawan, makikitang kasama rin nila si Richard Gomez—kaya naman tanong ng netizens: tuluyan na bang tanggap ng aktor-politiko ang basketbolista para sa kanyang unica hija?

Bagama’t hindi na bago ang nasabing post, ngayon lamang ito muling nag-viral at pinag-usapan. Ayon sa mga nakakita, tila komportable at masaya ang grupo habang nagkukuwentuhan kasama ang ilang kaibigan. Senyales na kaya ito na okay na si Ricci sa pamilya ni Juliana?

Matagal na ring napapansin ang closeness nina Juliana at Ricci, lalo na nang dumalo ang atleta sa laban ni Juliana sa Southeast Asian Games sa Thailand. Ilang beses na rin silang naispatan na magkasama—at minsan pa nga’y holding hands. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin silang official confirmation?

Sa isang naunang panayam, inamin ni Cong. Richard Gomez na hindi niya pinakikialaman ang lovelife ng anak. Pero aminado rin siyang may halong kaba kapag naiisip niyang baka isang araw ay bigla na lang itong magdesisyong magpakasal. Ready na nga ba siyang pakawalan si Juliana?

Dagdag pa niya, 23 anyos lang si Lucy Torres-Gomez nang pakasalan niya ito—samantalang 25 na ngayon si Juliana. Ibig bang sabihin, anumang oras ay posible na ring sumunod sa yapak ng kanyang ina ang dalaga?