Diskurso PH
Translate the website into your language:

Viral photos ni Gov. Daniel Fernando at Kim Rodriguez, may 'aminang' naganap?! Luxury car at P1-M allowance, ibinuko na!Viral photos ni Gov. Daniel Fernando at Kim Rodriguez, may 'aminang' naganap?! Luxury car at P1-M allowance, ibinuk

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-04-27 10:35:46 Viral photos ni Gov. Daniel Fernando at Kim Rodriguez, may 'aminang' naganap?! Luxury car at P1-M allowance, ibinuko na!Viral photos ni Gov. Daniel Fernando at Kim Rodriguez, may 'aminang' naganap?! Luxury car at P1-M allowance, ibinuk

Heto na nga, mga Ka-Marites! Hindi na nakatiis ang aktor at Bulacan Governor na si Daniel Fernando at hinarap na ang matagal nang usap-usapan tungkol sa kanila ng aktres na si Kim Rodriguez. Sa dami ba naman ng bulong-bulungan at "blind items" na kumakalat, kailangan na talagang may mag paliwanag.

Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi mamatay-matay ang isyung ito kung wala naman talagang "something"?

Sa isang nakaka-intrigang panayam kay Susan Enriquez sa “Kay Susan Tayo Vlogs,” diretsahang tinanong ang gobernador: sila ba talaga? Ayon kay Gov. Daniel, "kilala" niya si Kim bilang kapwa artista, pero mabilis ang naging sagot niya na "Hindi po" nang tanungin kung naging girlfriend niya ang dalaga. Wala rin daw "MU" o mutual understanding na naganap.

Kung hindi girlfriend at hindi rin MU, sapat na nga ba ang label na "female friend" para ipaliwanag ang kanilang closeness?

Hindi rin pinalampas ni Susan ang tungkol sa mga kumalat na litrato noong May 2025. Matatandaang naging viral ang photos kung saan nakaakbay ang gobernador kay Kim na may hawak pang bouquet of flowers, at ang background? Isang bonggang yellow luxury car! Ayon kay Gov. Daniel, ginagamit lang daw ng mga kalaban niya sa pulitika ang mga nasabing larawan para lagyan ng malisya ang kanilang pagkakaibigan.

Regalo nga ba talaga ang luxury car at may "allowance" na P1 million, o sadyang mapaglaro lang ang anggulo ng camera at timing ng post?

Samantala, tila "deadma" naman si Kim Rodriguez sa mga bashers. Sa mga TikTok videos niya, makikita ang mga komento ng netizens na nanunundot sa relasyon nila ng gobernador. Isang "Pikit" lang ang naging sagot ng aktres sa isang netizen na nagsabing "Dedma sa basher basta may Daniel Fernando." Palaban din ang lola niyo, ‘di ba?

Sapat na kaya ang "denial" ni Gov para tumahimik ang mga mapanuring mata?