Diskurso PH
Translate the website into your language:

Hiwalayan na nga ba? Antoinette Jadaone at Dan Villegas, nauwi raw sa wala ang 6 years na engagement?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-04-28 10:38:32 Hiwalayan na nga ba? Antoinette Jadaone at Dan Villegas, nauwi raw sa wala ang 6 years na engagement?

Mukhang may namumuong bagyo sa mundo ng mga direktor. Usap-usapan ngayon sa bawat sulok ng showbiz kung tuluyan na nga bang nagtapos ang "love story" nina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas. Kung matatandaan, taong 2020 pa nang mag-propose si Direk Dan sa Vatican City (bongga, ‘di ba?), pero anim na taon na ang lumipas, bakit parang imbes na kampana ng simbahan ang marinig natin, ay katahimikan ang bumabalot sa kanila?

Sapat na nga ba ang "nag-iipon pa" na dahilan matapos ang mahigit kalahating dekadang paghihintay, o baka naman may iba nang priority ang dalawa?

Matatandaan ding naging viral pa noon ang "Alamat ng Nawawalang Singsing" ni Direk Tonette sa Italy. Halos mahulog ang puso ng ating female director nang akala niya ay nai-flush niya sa inidoro ang kanyang Tiffany diamond ring, ’yun pala ay sumingit lang sa maleta. Pero ang tanong ng mga netizens ngayon: nahanap nga ang singsing noon, pero nahanap pa ba nila ang rason para ituloy ang kasal? O baka naman ang singsing na 'yun ay matagal nang nakatago sa baul?

Posible kaya na ang "sigh of relief" ni Direk Tonette noon ay naging "sigh of goodbye" na ngayon?

Ang mas lalong naggatong sa hinala ng marami ay ang recent Instagram post ni Direk Tonette tungkol sa bago niyang art space na tinatawag niyang "Palimliman." Napansin ng mga mapanuring mata na tila "healing" at "moving on" ang vibe ng caption niya. Sabi niya, "Nahanap na uli siya," habang masayang ibinibida ang kanyang sariling space. Bakit tila ang daming cryptic messages mula sa kanyang mga kaibigan, gaya ni Direk Irene Villamor na nag-comment pa ng "To a new life!"?

Bakit kailangang i-congratulate si Direk sa isang "bagong buhay" kung ang plano dapat ay ang buhay-mag-asawa kasama si Dan?

Kung sisilipin mo rin ang social media accounts ng dalawa, mapapansin mong parang "ghost town" na pagdating sa mga photos nilang magkasama. Ang huling paramdam ni Direk Tonette tungkol kay Dan ay noong October 2025 pa, bilang pagbati sa pagkapanalo nito sa Urian. Mula noon, wala na. Ni anino ni Direk Dan sa mga huling gimik at ganap ni Tonette, hindi na mahagilap. Nasaan na ang duo na laging magkatuwang sa trabaho at sa buhay?

Tuluyan na nga bang nauwi sa "Project 8-Goodbye" ang kanilang Project 8 Projects, o sadyang naging masyado lang silang busy sa kanya-kanyang mundo?

Sa ngayon, nasa Lisbon, Portugal si Direk Tonette para sa isang bagong project. Habang siya ay nag-e-explore sa Europe, naiwan naman kaming mga Marites dito sa Pinas na naghihintay ng kumpirmasyon. Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang dalawang panig, kaya naman abang-abang tayo kung ito ba ay pansamantalang "cool-off" lang o ito na ang "The End" sa kanilang script.

Sa susunod na pag-uwi ba ni Direk Tonette, suot pa rin kaya niya ang singsing, o baka naman may bago na siyang kwento ng kaligayahan na hindi na kasama ang kanyang fiancé?