Mayor Strike Revilla Pinaigting ang Pagsugpo sa Pekeng Solidarity Stickers
Systems Administrator Ipinost noong 2024-12-20 00:09:45
Sa ilalim ng masusing pamumuno ni Mayor Strike Revilla, ang ama ng Lungsod ng Bacoor, patuloy ang pagsusumikap na tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng mga naninirahan sa mga subdivision na kalahok sa solidarity route na dinaraanan ng mga motorista. Kaugnay nito, pinaigting ng Bacoor Traffic Management Department (BTMD) ang mga operasyon laban sa paggamit at pamamahagi ng mga pekeng Solidarity Stickers.
Nito lamang nakaraang linggo, may kabuuang labing-isang (11) indibidwal ang nahuli dahil sa paglabag na may kaugnayan sa paggamit ng pekeng stickers. Ang bawat lumabag ay nahaharap sa multang PHP 5,000 na kailangang mabayaran sa loob ng 72 oras upang maiwasan ang pagsasampa ng legal na kaso laban sa kanila. Patuloy ang paalala ni Mayor Strike Revilla na na umiwas sa ilegal na pagbili at paggamit ng pekeng stickers.
Bukod dito, ang masusing pagbabantay ng BTMD ay isang paalala sa mga motorista at residente na ang tunay na Solidarity Stickers ay mahalagang bahagi ng sistema para sa mas maayos at ligtas na daloy ng trapiko. Ito rin ay paraan upang mapanatili ang seguridad ng mga subdivision na sakop ng solidarity route.
