Bilis at Ginhawa. Nagsimula na ang Business One Stop Shop (BOSS) sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna
Systems Administrator Ipinost noong 2025-01-08 20:59:30
Opisyal nang sinimulan noong ikalawa ng Enero, 2025, sa Lungsod ng Santa Rosa ang taunang Business One Stop Shop (BOSS) para sa renewal ng mga business permit. Sa pamumuno ni Mayor Arlene B. Arcillas, layunin ng lungsod na gawing mas mabilis at maginhawa ang proseso para sa lahat ng mga negosyanteng nais magpatuloy ng kanilang operasyon sa lungsod.
Para sa mga mas nais magproseso nang personal (walk-in), bukas ang Santa Rosa Multi-purpose Sports Complex na matatagpuan sa Arcillas Blvd., Brgy. Tagapo. Ang opisina ay bukas mula Lunes hanggang Linggo, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Para naman sa mas pinadaling sistema, maaaring mag-renew online gamit ang Santa Rosa E-BOSS (Electronic Business One Stop Shop) sa pamamagitan ng link na ito::https://eboss.santarosacity.gov.ph
Siguraduhing kumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang abala sa proseso. Ang hakbang na ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaang lungsod ng Sta. Rosa, Laguna sa pagbibigay ng mas maayos at epektibong serbisyo publiko.
