Diskurso PH
Translate the website into your language:

Panukala ni Sen. Padilla para sa Muslim Filipinos, Suportado ng Senado

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-02-25 08:43:14 Panukala ni Sen. Padilla para sa Muslim Filipinos, Suportado ng Senado

Inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang Senate Bill No. 2819, na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 9997 o ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Act of 2009. Ang panukalang batas, na isinulong ni Senador Robinhood "Robin" C. Padilla, ay naglalayon na ang miyembro ng "Balik-Islam"—o ang mga indibidwal na tinanggap ang Islam sa kanyang buhay—na magkaraoon ng representasyon sa NCMF..

Sa kanyang talumpati, ipinaliwanag ni Senator Padilla ang kahalagahan ng pagbibigay-proteksyon sa Balik-Islam community, laban sa mga tinatawag niyang “blind leaders” na nagtuturo ng mga maling paniniwala. Ayon sa kanya, "Ang totoo po, napakaraming Balik-Islam ang napapahamak dahil sa mapanlinlang na katuruan." Dagdag pa niya, "Ang layunin ng panukalang batas na ito ay mabigyan ng boses ang mga Balik-Islam sa komisyon upang matiyak na naririnig at natutugunan ang kanilang pangangailangan." 

Ayon sa panukala, pinapanatili sa Article I, Section 5 ng RA 9997, ang siyam (9) na komisyoner sa NCMF, na mga Muslim na Pilipino. Gayunman, bukod sa mga sektor ng kababaihan, kabataan, at Ulama, magiging opisyal na bahagi ng komisyon ang isang kinatawan mula sa Balik-Islam community. Nananatili rin ang probisyong hindi maaaring lumampas sa dalawang (2) komisyoner mula sa parehong tribo ng Muslim upang matiyak ang patas na representasyon. Dagdag pa rito, kailangang may digri sa kolehiyo ang mga komisyoner, bihasa sa Ingles at/o Arabic, at may opisyal endorsement mula sa kani-kanilang sektor o tribo.

Binigyang-diin din ni Senador Padilla ang malaking bilang ng Balik-Islam sa hanay ng mga overseas Filipino workers at ang kanilang hamon sa pagsasabuhay ng Islam sa pang-araw-araw na buhay. Aniya, madalas silang nagiging target ng mga extremist influences. "Muli po, ang aking dasal ay ito ay inyong matingnan at mapag-aralan sapagkat kadalasan ang nagagamit po ng terorista ay ang mga Balik-Islam. Kailangang-kailangan po ito upang masigurado po natin na ang mga katuruan na dumadapo at napag-aaralan ng mga Balik-Islam ay tunay na Islam," paliwanag niya.

Matapos ang pagpasa nito sa Senado, isusumite sa House of Representatives para sa kanilang deliberasyon. Ang pagpasa ng panukalang batas na ito ay patunay ng pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang inklusibong representasyon at proteksyon sa iba’t ibang relihiyosong komunidad sa Pilipinas.

 

Larawan mula sa ABS CBN News