Diskurso PH
Translate the website into your language:

Q City Bus, Tuloy ang Libreng Sakay sa Kabila ng Masamang Panahon

Bryan HafallaIpinost noong 2025-07-22 13:10:30 Q City Bus, Tuloy ang Libreng Sakay sa Kabila ng Masamang Panahon

QC (Hulyo 22, 2025) -  Sa kabila ng masamang panahon ngayong Martes, patuloy ang pag-arangkada ng Q City Bus upang maghatid ng libreng sakay sa mga residente ng lungsod.

Ayon sa pamahalaang lungsod, nagpapatuloy ang biyahe ng Q City Bus sa walong ruta na may 30 minutong pagitan kada pasada. Bahagi ito ng patuloy na serbisyo para sa mga commuter, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Kasabay nito, naka-deploy din ang mga tauhan mula sa Traffic and Transport Management Department upang tumulong sa pag-agapay sa mga commuter at matiyak ang kaayusan sa kalsada.

Patunay ito ng pagtutok ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng maaasahang transportasyon sa publiko, anuman ang lagay ng panahon.

Para sa listahan ng mga ruta at oras ng biyahe, maaaring sumangguni sa opisyal na social media page ng lungsod.

Narito ang kabuuang ruta ng Q City Bus service:

  1. QC Hall to Cubao

  2. QC Hall to Litex / IBP Road

  3. Welcome Rotonda to Aurora Katipunan

  4. QC Hall to General Luis

  5. QC Hall to Mindanao Ave. via Visayas Ave.

  6. QC Hall to Gilmore

  7. QC Hall to C5 / Ortigas Ave. Ext.

  8. QC Hall to Muñoz

Ulat mula Kay Robel Almoguerra