Diskurso PH
Translate the website into your language:

Dahil sa Sunod-sunod na Bagyo, 'No Pabonggahan' muna sa SONA?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-07-25 11:28:55 Dahil sa Sunod-sunod na Bagyo, 'No Pabonggahan' muna sa SONA?

Tuloy Na tuloy ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Bongbong Marcos, nitong darating na Lunes, July 28, 2025. Ito ay sa kabila ng abiso ng PAGASA na magiging maulan pa rin sa Lunes. Ayon kay DILG Jonvic Remulla, umulan man kahit bumagyo tuloy ang sona maliban nalang kung may signal no. 3 o may delubyo.

Pero dahil sa magkakasunod na bagyong tumama sa bansa nitong Hulyo na nagdulot ng malawakang pagbaha, pinsala sa kabuhayan, at paglikas ng daan-daang pamilya, iginiit ng pamahalaan ang pagpapatupad ng “no pabonggahan” policy para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, hinihikayat ang lahat ng mga dadalo — kabilang na ang mga mambabatas, miyembro ng gabinete, at mga panauhing pandangal — na magsuot ng simple at disente, bilang respeto sa kasalukuyang kalagayan ng maraming Pilipino.

Hindi rin inaasahan ang mga red carpet arrival o media coverage para sa mga kasuotan ng mga dumalo — isang malaking kaibahan sa mga nagdaang SONA na tila naging runway ng politika at estilo.

Sa halip, nakatuon ngayon ang pamahalaan sa seguridad, kaayusan ng daloy ng trapiko, at maayos na pagsasagawa ng taunang ulat ng Pangulo sa harap ng Kongreso.