Simula na ang Voter Registration para sa 2025 Barangay at SK Elections: Agosto 1–10
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-07-27 14:40:45
Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na iskedyul ng voter registration para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa 2025. Gaganapin ito mula Agosto 1 hanggang Agosto 10, 2025, Lunes hanggang Linggo, kasama ang holidays, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Saan pwedeng magparehistro?
???? Sa Office of the Election Officer sa inyong lokalidad o sa mga Satellite Registration Sites sa buong bansa. Para naman sa mga nasa National Capital Region (NCR), bukas din ang Register Anywhere Program Sites mula Agosto 1–7, 2025.
Mga Aplikasyong Tatanggapin:
✅ Registration (bagong botante)
✅ Pagbabago ng pangalan o status
✅ Pagwawasto ng impormasyon
✅ Reactivation ng na-deactivate na rehistro
✅ Inclusion o Reinstatement ng pangalan sa listahan ng mga botante
✅ Updating ng records para sa mga PWD, Senior Citizens, at miyembro ng Indigenous Peoples (IP) o Indigenous Cultural Communities (ICC)
✅ Transfer mula Overseas to Local registration lamang
Online Filing Options:
- Reactivation
- Reactivation with Change/Correction
- Reactivation with Updating of Records
⚠️ Mahalagang Paalala:
Hindi tatanggap ng LOCAL transfer ng registration records sa panahon ng registration.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang mga opisyal na social media accounts ng COMELEC o tingnan ang kanilang mga inilabas na infographic online.
Source: COMELEC
