Diskurso PH
Translate the website into your language:

Perseid meteor shower, abangan sa Agosto 12 hanggang 13, 2025

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-08-12 00:03:10 Perseid meteor shower, abangan sa Agosto 12 hanggang 13, 2025

Maghanda na, mga tagamasid ng bituin! Sa darating na Agosto 12–13, 2025, muling matutunghayan ang isa sa pinakamagagandang penomeno sa kalangitan—ang Perseid Meteor Shower, na kilala sa mala-pyro techniques nitong “cosmic fireworks” na umaabot sa hanggang 100 meteors kada oras.

Ayon sa mga astronomer, hindi mo na kailangang gumamit ng telescope para masaksihan ang pambihirang palabas na ito. Kita ito ng malinaw gamit lamang ang ating mga mata, basta’t maghanap ka ng lugar na malayo sa maliwanag na ilaw ng lungsod. Inirerekomenda ring bigyan ng 20–30 minuto ang iyong mga mata upang masanay sa dilim para sa mas malinaw na tanawin.

Mas pinakamasarap itong panuorin kung nakahiga ka sa ilalim ng malamig na hangin ng gabi, may kasamang kumot, at kapiling ang pamilya o mga kaibigan. Ang Perseids ay galing sa mga debris ng comet Swift-Tuttle, na sa tuwing dumadaan sa orbit ng Earth ay nag-iiwan ng mala-alikabok na nagiging meteor sa ating himpapawid.

Para sa mga mahihilig sa stargazing, ito ay taunang inaabangan, ngunit para sa iba, isa itong bihirang pagkakataon upang humanga sa kagandahan at lawak ng kalawakan.

Kaya’t markahan na ang kalendaryo at maghanda para sa isang gabi ng pagkamangha—isang paalala na kahit sa gitna ng abalang mundo, may mga pagkakataong maaari tayong huminto, tumingala, at masilayan ang ganda ng sansinukob. (Larawan: Google)