Metro Cebu nakaranas ng matinding baha,maraming pamilya lumikas, mga kalsada hindi madaanan
Ipinost noong 2025-08-16 16:29:31
CEBU CITY, Pilipinas — Malakas na ulan ang tumama sa Metro Cebu noong Biyernes ng gabi, Agosto 15. Sanhi ng matinding pagbaha at paglubog ng mga kalsada, Kungsaan hanggang tuhod o leeg ang lalim, nag-stranded ang mga motorista, naparalisa ng trapiko ang buong lungsod. Napilitan ang maraming pamilya na lumikas mula sa kanilang mga tahanan.
Ang baha, na nagsimula noong Biyernes ng gabi, agad lumubog ang mga pangunahing daanan at primerang naapektuhan mga naninirahan sa tabi ng ilog. May mga ulat na nasira ang mga bahay doon ,maging ang mga sasakyan ay tinangay na rin. May ilang matatapang residente ang hinarap ang mapanganib na agos upang makarating sa mas mataas na lugar.
Sa isang ulat hanggang 7:51 ng umaga Sabado, Agosto 16, nagtala ang Cebu City Department of Social Welfare and Services (DSWS) ng isang pamilya sa Barangay Pit-os na lubos na nawasak ang bahay dahil sa baha. Limang indibidwal ang naapektuhan. Nangako ang pamahalaan ng lungsod na magbibigay ng food packs, pagkain, at P20,000 pinansyal na tulong sa bawat apektadong pamilya.
Ayon kay Portia Basmayor, pinuno ng DSWS, na apektado rin ang mga pamilya mula sa mga lugar sa tabi ng ilog. Sa Barangay Pahina Central, hindi bababa sa 42 households (85 pamilya o 304 indibidwal) sa Riverside at 56 households (149 pamilya o 495 indibidwal) sa Tumoy ang inilikas matapos tumaas ang baha sa loob ng kanilang mga bahay.
Ang mga biktima ay pansamantalang nasa evacuation center sa isang gym malapit sa Cebu City Medical Center (CCMC). Gayunpaman, sinabi ng Basmayor na maraming evacuees ang inaasahang babalik sa kanilang mga tahanan kapag humupa na ang baha.
Sa Lungsod ng Mandaue, umabot sa antas ng baywang ang baha malapit sa Marcelo Fernan Bridge sa bahagi ng Lungsod ng Mandaue, na nag-udyok sa mga awtoridad na isara ito sa mga motorista bandang 1:45 ng madaling araw ng Sabado.
Sa Barangay Paknaan, nag-post ng mga video ang mga residente na nagpapakita ng malakas na agos ng ilog na tinatangay ang isang taxi at isang multicab. Sa social media, nagsumamo ng tulong ang isang residente, si Nicole Florencondia, habang umaabot sa leeg ang baha na pumasok sa kanilang barangay.
“Ito ang aming kalagayan namin ngayon dahil sa malakas na ulan at baha na hanggang leeg na, kahit ito ang huling paalam sa aming mahal sa buhay na apektado. Sobra na ang sakit na nararamdaman namin, pero nadagdagan pa ng takot at pag-aalala... Please, tulungan niyo kaming malampasan ang hirap at sakit na aming kinakaharap."
Sa Lungsod ng Cebu, halos umapaw ang Ilog Guadalupe, habang nagkaroon ng matinding pagbaha sa Sapangdaku.
Sa Sitio Maaslom, Barangay Busay, naharangan ng mga natumbang puno at pagguho ng lupa ang daan patungo sa Transcentral Highway noong Biyernes ng gabi.
Unang idineklara ni Konsehal Joel Garganera na hindi madaanan ang lugar noong 11 p.m., ngunit pagsapit ng Sabado ng umaga, sinabi ni Konsehal Dave Tumulak na nalinis na ang kalsada, bagaman pinayuhan ang mga motorista na manatiling maingat.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang malakas na pag-ulan sa Cebu at iba pang bahagi ng bansa ay dulot ng isang low-pressure area (LPA) na sinamahan ng southwest monsoon o habagat.
larawan google
