3 patay sa salpukan ng dalawang truck sa Quezon Province
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-08-23 12:14:12
Quezon Province — Tatlo ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang isang pahinante, matapos magsalpukan ang dalawang truck sa isang bahagi ng kalsada sa Quezon Province ngayong araw.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas dyes ng umaga, nang magsalpukan ang dalawang malalaking sasakyan. Dahil sa tindi ng banggaan, agad na nasawi ang tatlong biktima habang ang isang pahinante ang nagtamo ng matinding sugat at agad isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng rescue team at traffic enforcers upang ilikas ang mga biktima at kontrolin ang daloy ng trapiko na matinding naapektuhan ng aksidente.
Nakikitang dahilan ang madulas na kalsada kaya nawalan ng konrol ang isang truck kaya bumangga sa kasalubong na isa pang truck.
Samantala, nagpaalala ang mga otoridad sa lahat ng motorista na mag-ingat sa kalsada, iwasan ang labis na bilis, at siguraduhin ang wastong kondisyon ng sasakyan upang maiwasan ang ganitong trahedya.
larawan facebook
