Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tulay sa Barangay Palakpak, Rosario, Batangas nasira dahil sa malakas na ulan

Ipinost noong 2025-08-26 15:13:13 Tulay sa Barangay Palakpak, Rosario, Batangas nasira dahil sa malakas na ulan

Rosario, Batangas — Nasira ang isang tulay sa Barangay Palakpak, Rosario, Batangas nitong hapon ng Agosto 25, 2025 matapos bahain ng mataas na tubig mula sa ilog dulot ng matinding buhos ng ulan.

Ayon sa mga residente, hindi kinaya ng tulay ang rumaragasang tubig-baha at bumigay ang ilang bahagi nito. Dahil dito, malaking abala ang naranasan ng mga mamamayan, lalo na ang mga mag-aaral at guro na araw-araw na gumagamit ng tulay bilang daan patungo sa eskwelahan.

“Samin ’yan Palakpak Rosario, naku pahirapan na naman mga eskwela at teacher sa pagtawid, mahina ang pagkakagawa,” ayon sa isang residente na nag-aalala sa kaligtasan ng mga tumatawid.

“Malaking purwisyo ang pagkasira ng tulay, dahil mahihirapang maitawid ang mga kalakal Tiyak maantala  ang suplay tataas ang presyo ng mga pangunahing pangangakailangan” 

Ilan lamang sa mga nagpahayag ng kanilang saloobin sa social media, ngunit higit ang panawagan ay ma aksyonan  agad ng kinauukulan ang problemang ito.

Samantala, ipinahayag ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Brgy. Captain Roberto Lacerna at pamunuan ng LGU  na magsasagawa sila ng agarang inspeksyon upang matukoy ang lawak ng pinsala at matugunan ang pangangailangan ng komunidad. Tinitingnan din ang posibilidad ng pagtatayo ng pansamantalang tulay upang hindi tuluyang maantala ang biyahe at pagpasok sa paaralan ng mga residente.

Patuloy namang nananawagan ang mga taga-Barangay Palakpak na mapabilis ang pagkilos ng pamahalaan upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang mas matinding epekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

larawan/facebook