Diskurso PH
Translate the website into your language:

Presyo ng gasolina, diesel muling tataas sa Setyembre

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-08-29 15:03:07 Presyo ng gasolina, diesel muling tataas sa Setyembre

AGOSTO 29, 2025 — Muling magtataas ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa sa darating na Setyembre 2, ayon sa pagtataya ng Department of Energy (DOE) at ilang kumpanya ng langis.

Inaasahang papalo sa ₱1 kada litro ang dagdag sa diesel, habang ang gasolina ay posibleng tumaas ng ₱0.40 hanggang ₱0.60 kada litro. May posibilidad ding gumalaw pataas ang presyo ng kerosene sa pagitan ng ₱0.50 hanggang ₱0.60 kada litro.

Ayon kay Leo Bellas, presidente ng Jetti Petroleum, ang pagtaas ay dahil sa mga pangyayaring nagdudulot ng pagkabahala sa pandaigdigang suplay ng langis. 

“Crude oil and refined fuel prices have rebounded this week, driven by concerns of supply disruptions after Russia and Ukraine intensified their attacks on each other’s energy infrastructure, and worries that new US sanctions on Russia and buyers of Russian crude oil will restrict global supply flows” paliwanag niya.

(Tumaas ang presyo ng krudo at mga produktong langis ngayong linggo dahil sa pangamba sa supply matapos paigtingin ng Russia at Ukraine ang pag-atake sa mga pasilidad ng enerhiya, at dahil sa bagong parusa ng US sa Russia at mga bumibili ng langis mula rito.)

Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina.

(Larawan: Philippine News Agency)