Tatlo, patay sa pamamaril sa Santa Rosa City, Laguna
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-08-31 18:30:35
Santa Rosa City, Laguna — Tatlong katao ang nasawi matapos ang isang insidente ng pamamaril sa loob ng Olympia Subdivision, Barangay Labas, nitong Linggo ng umaga, Agosto 31.
Batay sa ulat ng pulisya, isang 60-anyos na lalaki ang unang namaril bandang alas-8:30 ng umaga. Tinarget niya ang sariling pamangkin at isang kapitbahay, na kapwa idineklarang dead on the spot.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng Santa Rosa Police. Sa gitna ng operasyon, nakipagbarilan umano ang suspek sa mga awtoridad na nauwi sa kanyang pagkamatay.
Patuloy pa ring inaalam ng imbestigador ang posibleng motibo sa likod ng pamamaril. Mahigpit ding ipinapatupad ng pulisya ang seguridad sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Samantala, ikinabigla ng mga kapitbahay ang nangyari at nananawagan ng mas mahigpit na pagbabantay upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Larawan mula sa Sta Rosa City Police
