Diskurso PH
Translate the website into your language:

Lacson ibinulgar P10K 'per page' na singil ng junior personnel sa DPWH

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-13 09:03:04 Lacson ibinulgar P10K 'per page' na singil ng junior personnel sa DPWH

MANILA — Isiniwalat ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang isang bagong modus ng katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan umano’y naniningil ang ilang junior personnel ng libu-libong piso kada pahina ng dokumento mula sa mga kontratista.

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na ang mga dagdag na “requirements” ay ipinapataw ng mga junior officials sa antas ng District Engineering Office. “Corruption has become systemic where greed has evolved. Now they add requirements that cost money per page of bidding documents and material testing reports,” aniya.

Kabilang sa mga sinisingil umano ay ang mga sumusunod:

  • Variation orders: ₱10,000 para sa dokumento, dagdag na ₱2,000 kada pahina
  • Planning and Design Section: ₱50,000 pataas para sa soft copy, depende sa rehiyon
  • Materials testing report: 1% ng kabuuang halaga ng kontrata, walang resibo
  • Bid documents: ₱50,000 pataas
  • Inspection fees: ₱5,000 kada inspector, dagdag na ₱10,000 at ₱5,000 kada signatory kung mula sa “insiders”
  • Final billing: ₱75,000 plus ₱5,000 kada project engineer
  • Quality assurance: ₱50,000 mula sa District Engineer
  • Construction Performance Evaluation System (CPES): ₱50,000 hanggang ₱200,000

Ayon kay Lacson, ang mga junior personnel ay ginagaya na rin ang mga district engineers na umano’y nagkakamal ng yaman sa mga iligal na transaksyon. “The junior personnel see their district engineers get rich so they decided to get rich as well,” aniya.

Binigyang-diin ng senador na ang tunay na naaapektuhan ng raket na ito ay ang mga ordinaryong mamamayan. “The lower-ranking personnel add requirements to ‘punish’ the contractors. But the real ones being punished are us taxpayers because the contractors pass on the costs to us by using substandard materials,” dagdag niya.

Ang imbestigasyon ay bahagi ng mas malawak na pagsisiyasat ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa flood control projects ng DPWH. Patuloy ang panawagan ni Lacson para sa mas mahigpit na reporma at accountability sa ahensya.