Diskurso PH
Translate the website into your language:

PBBM, higit 1 libong pabahay ipinagkaloob para sa mahihirap ng San Pablo City

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-15 18:09:30 PBBM, higit 1 libong  pabahay ipinagkaloob para sa mahihirap ng San Pablo City

San Pablo, Laguna-  Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. namahagi ng higit isang libong pabahay  para sa mahihirap na taga San Pablo, noong Setyemre 15,2025. Nagsimula ang programa sa San Bartolome para sa pamamahagi ng housing units  sa St. Barts Southville Heights. mula sa National Housing Authority sa ilalim ng programang Handog ng Pangulo: Sariling Bahay Para sa mga Pilipino.

Layunin ng programang ito na magbigay ng ligtas, maayos, at matatag na tirahan para sa mga San Pableño, kasabay ng pagbibigay ng mas matibay na pundasyon para sa mas maunlad at organisadong pamayanan.

Nagpahayag ng pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng San Pablo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa patuloy na pagtutulak ng proyektong pabahay na nagsisilbing malaking tulong sa libo-libong pamilyang Pilipino.

Pinapurihan din ang naging mahalagang kontribusyon nina GM Joeben Tai, DOTr Secretary Atty. Giovanni Lopez, at DSHUD Secretary Jose Ramon Aliling na katuwang sa matagumpay na implementasyon ng nasabing programa.

Dumalo sa seremonya ng pamamahagi sina Congressman Amben Amante, Mayor Najie Gapangada, Vice Governor Atty. JM Carait, Bokal Angelica Jones, kasama ang buong Sangguniang Panglungsod ng San Pablo City, at iba pang mga opisyal bilang patunay ng kanilang suporta at pakikiisa.

Ang mga unang benepisyaryo ay mga residente sa tabi ng riles ng tren. Maliit na buwanang hulog na P750 ang babayaran ng mga benepisyaryo. Nasa 1,100 mahihirap na pamilya ang makikinabang sa programa.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahan na higit pang mapapalakas ang layunin ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tahanan ang bawat pamilyang Pilipino, kasabay ng pagpapatibay ng pundasyon ng isang mas matatag at mas maunlad na San Pablo City.

larawan/facebook