NBA Finals: SGA, bumida sa 34 pts para sa panalo ng Thunder kontra Pacers sa Game 2

June 10 - Sumabog si Shai Gilgeous-Alexander sa kanyang 34 puntos upang akayin ang Oklahoma City Thunder sa 123-107 na panalo kontra Indiana Pacers kahapon, na nagtulak sa NBA Finals sa 1-1 tabla.
Tinapos ng bagong MVP ng liga ang laro na may 11 of 21 shooting, 5 rebounds, 8 assists, at 4 steals upang bumawi ang Thunder mula sa masakit na pagkatalo sa Game 1 sa sariling tahanan.
Nag-ambag din si Jalen Williams ng 19 puntos habang bumangon si Chet Holmgren mula sa six-point Game 1 performance para makapagtala ng 15 puntos at 6 rebounds.
Pinahirapan naman ng Thunder defense si Pacers star Tyrese Haliburton na na-limitahan sa 17 puntos, 3 rebounds, at 6 assists kasama ng 5 turnovers. Sa kabila ng 12 puntos ni Haliburton sa huling quarter, hindi na muling nakaporma ang Indiana gaya ng Game 1 comeback nila mula 15 puntos.
“They play a full 48 minutes and you can’t just throw the first punch,” ani Gilgeous-Alexander. “You’ve got to try to throw all the punches all night. That’s what we did.”
Hindi pa natatalo ng sunod-sunod ang Thunder sa buong playoffs, at sa panalong ito, napigilan nila ang Pacers na makakuha ng 2-0 lead gaya ng nagawa nito sa tatlong naunang serye.