TIBAY SA GITNA NG PAGSUBOK NI RAIN NOVAL
Systems Administrator Ipinost noong 2026-04-11 14:16:42
Sa mundo ng isports, kadalasang ang mga nagkakampeon ang nabibigyan ng pinakamataas napagkilala. Ngunit may mga kuwento ring nagpapatunay na ang tunay na tagumpay ay dumarating sa tamang oras tulad ng naging karanasan ni Rain Noval, isang batang atleta mulasa Cebu.
Sa edad na 15, isa na si Noval sa mga kinikilalang elite runner sa kanilang lugar. Sanay nasiyang sumabak at manalo sa iba’t ibang malalaking karera, mapa-road race man o track events. Gayunpaman, may isang kompetisyong matagal na niyang minimithi, ang Central Visayas Regional Athletic Association (CVIRAA) kung saan nagtitipon ang pinakamahusay namga atleta sa rehiyon. Ilang taon na rin siyang nakakapag-qualify, simula pa noong 2023, ngunit sa kabila ng kanyang galing, hindi pa rin niya makuha ang inaasam na medalya. Sinubukan niya muli noong 2024 at 2025, ngunit nanatiling mailap ang tagumpay.
Pagsapit ng 2026, muling nabigyan si Noval ng pagkakataong makasali. Determinado siyangbaguhin ang kanyang kapalaran sa pagkakataong ito. Bilang paghahanda, sumali siya sa isang3K road race isang buwan bago ang CVIRAA. Itinuring niya ito bilang panubok sa kanyangkondisyon at kakayahan. Maganda ang kanyang naging simula, nangunguna siya sa karera. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nang malapit na siya sa finish line, bigla siyangnakaramdam ng matinding sakit sa tuhod. Dahil dito, hindi niya natapos ang karera at kinailangang maisakay sa ambulansya.
Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon. Humahagulgol ng iya habang inaalagaan ng mgamedics. Ramdam ang bigat ng kanyang loob hindi lang dahil sa karerang hindi natapos, kundidahil sa takot na baka hindi na siya makasali sa CVIRAA. Upang masiguro ang kanyangkalagayan, agad siyang nagpakonsulta sa isang espesyalista kung saan sumailalim sa pagsusuriat patuloy na minonitor ang kanyang kondisyon. Sa halip na panghinaan ng loob, naging mitsapa ito upang mas lalo siyang magsikap. Mas tumindi ang kanyang determinasyon na makamitang medalya na matagal na niyang pinapangarap.
Matapos ang kanyang paggaling, agad siyang bumalik sa pagsasanay. Pinaghandaan niya ang kompetisyon nang buong puso at disiplina. At nang dumating ang araw ng CVIRAA, ibinigayniya ang lahat ng kanyang makakaya.
Sa huli, nagbunga ang kanyang pagsusumikap. Hindi lamang isa, kundi tatlong medalya ang kanyang nakuha sa naturang paligsahan, isang silver sa 800M Secondary Girls, at dalawangbronze sa 3,000M at 1,500M events. Hindi maipaliwanag ang kanyang saya. Sa wakas, nakuharin niya ang matagal na niyang inaasam.
Ang kanyang kuwento ay paalala na ang kabiguan at sakit ay hindi hadlang sa tagumpay. Sa halip, maaari itong maging sandigan upang magpatuloy at mas pagbutihin pa ang sarili. Dahil sa huli, ang tunay na panalo ay hindi lamang nasusukat sa dami ng medalya, kundi sa lakas ng loob na bumangon at sumubok muli anumang beses ka pang madapa. -John Velez
