Vatican, Microsoft nagsanib-pwersa para i-recreate ang St. Peter's Basilica sa Minecraft
Ipinost noong 2025-03-20 16:50:30
ISABEL, Marso 20, 2025 — Ang mga Minecraft players ay pwede nang mag-explore ng St. Peter’s Basilica sa educational edition ng laro. Nagsanib-pwersa ang Microsoft, Vatican, at tech startup na Iconem upang bumuo ng isang AI-powered digital twin ng isa sa mga pinakabanal na lugar ng Simbahang Katoliko, na maa-access sa Minecraft Education.
Tinatawag na Peter Is Here: AI for Cultural Heritage, ang bagong learning experience na ito ay nagbibigay-daan sa mga estudyante na virtual na pasukin ang St. Peter’s Basilica at gumanap bilang mga tagapag-alaga nito.
Ayon sa blog post ng Minecraft Education, ang Peter Is Here ay nag-aalok sa mga guro ng dalawang unique gameplay paths na puwedeng gamitin para isama ang kasaysayan, sining, STEM, at digital literacy sa kanilang mga aralin.
"They begin in 'Restoration Mode,' where they take on the role of the Sanpietrini, the dedicated team responsible for preserving St. Peter's Basilica (Magsisimula sila sa ‘Restoration Mode,’ kung saan gaganap sila bilang Sanpietrini, ang dedikadong grupo na responsable sa pag-preserve ng St. Peter’s Basilica)," ayon sa blog.
Ang mga players ay may misyon na ayusin ang mga key sections ng Basilica sa apat na historical eras: The Vatican Obelisk, St. Peter’s Tomb, the Rotunda Column, at Bernini’s Baldachin.
"In Restoration Mode, students actively restore St. Peter's Basilica using AI tools, making real-time decisions that provide historical insights and unlock new areas for exploration, transforming them into active preservers of cultural heritage (Sa Restoration Mode, ang mga estudyante ay aktibong magre-restore ng St. Peter’s Basilica gamit ang AI tools, gumagawa ng real-time decisions na nagbibigay ng historical insights at nag-u-unlock ng bagong areas para sa exploration, kaya nagiging active preservers sila ng cultural heritage)," dagdag pa nito.
Gamit ang AI-powered tools, tulad ng block scanners at retrievers, mae-engage ang mga estudyante sa hands-on problem-solving upang tukuyin at ayusin ang structural damage. Makikita rin sa laro kung paano naaapektuhan ng bawat restoration choice ang hitsura ng Basilica. "As players replace broken blocks or reinforce aging structures, they see firsthand how their actions help restore this historic landmark (Habang pinapalitan ng mga players ang mga sira-sirang blocks o pinapatibay ang mga luma nang istruktura, makikita nila agad kung paano nakakatulong ang kanilang mga aksyon sa pag-restore ng makasaysayang landmark na ito)," ayon sa Minecraft Education.
Pagkatapos ng restoration, maaaring lumipat ang mga estudyante sa ‘Exploration Mode,’ kung saan pwede nilang tuklasin ang grand halls at mga nakatagong lihim ng fully restored na Basilica.
Ang AI for Good Lab ng Microsoft ang nagbigay ng kinakailangang teknolohiya upang ma-proseso at ma-analyze ang photogrammetry data para sa proyekto, dagdag ng Minecraft.
Ang “Peter Is Here” experience ay available na sa lesson library ng Minecraft Education para sa lahat ng licensed users. Ang libreng trial version ay puwede ring ma-access sa pamamagitan ng pag-download ng application at pag-login gamit ang Office 365 o Microsoft 365 Education account.
Ang inisyatibong ito ay kasunod ng digital twin ng St. Peter’s Basilica na in-unveil ng Microsoft noong nakaraang taon, kasabay ng Jubilee celebration ng Simbahang Katoliko.
Larawan: Johny Goerend/Unsplash
