Diskurso PH
Translate the website into your language:

Plastik na nabubulok, natuklasan!

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-08-15 00:07:35 Plastik na nabubulok, natuklasan!

WASHINGTON — Isang makabagong tuklas mula sa Washington University (WashU) ang nagbibigay ng pag-asa laban sa patuloy na lumalalang polusyon mula sa tradisyonal na plastik. Nakabuo ang mga chemical engineers ng unibersidad ng bagong uri ng bioplastic na gawa mula sa cellulose, na may kakayahang mabulok sa katamtamang temperatura at may mababang antas ng hangin at tubig na tumatagos dito—isang mahalagang katangian upang mapanatili ang kalidad ng pagkain.

Ayon kay Prof. Joshua Yuan ng Washington University, “We created a multilayer structure with cellulose in the middle and bioplastics on both sides,” na nagreresulta sa mas matibay ngunit eco-friendly na materyales.

Ang ideya ay hango sa tradisyonal na paggamit ng mga dahon bilang pambalot ng pagkain bago pa sumikat ang plastik. Tulad ng mga dahon, mayaman sa cellulose ang bagong bioplastic, kaya mas mabilis itong nabubulok kumpara sa karaniwang plastik na tumatagal ng daan-daang taon bago ma-degrade.

Bukod sa pagiging biodegradable, multifunctional din ang bioplastic na ito dahil may “printable surface” na maaaring magamit sa food packaging at iba pang produkto sa industriya. Malaki rin ang potensyal nitong magamit ng iba’t ibang kumpanya kung palalawakin pa ang disenyo.

“This unique biomimicking design allows us to address the limitations of bioplastic usage and… allow for broader bioplastic utilization,” dagdag ni Yuan.

Sa panahon kung saan patuloy na lumalala ang polusyon mula sa microplastics na sumisira sa suplay ng pagkain at tubig, ang ganitong inobasyon ay nagbubukas ng pinto sa mas ligtas at mas responsableng alternatibo sa plastik—isang hakbang tungo sa mas malinis at mas ligtas na kinabukasan. (Larawan: Quick Wasters / Google)