Diskurso PH
Translate the website into your language:

Slashed DPWH 2026 Budget, Dahil sa Flood Control Issues

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-09-18 09:51:39 Slashed DPWH 2026 Budget, Dahil sa Flood Control Issues

Sa budget hearing ng House Appropriations Committee noong September 17, 2025, hinarap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang matinding pag-usisa sa kanilang proposed ₱881.3-billion 2026 budget. Lawmakers flagged duplicate entries, questionable flood control allocations, at mga maling budget lines.

Pinangunahan ni DPWH Secretary Vivencio “Vince” Dizon ang delegation kasama sina Senior Undersecretary Emil K. Sadain, Undersecretaries Ador G. Canlas, Marichu A. Palafox, Eric A. Ayapana, Maria Catalina E. Cabral, Anne Sharlyne G. Lapuz, at Assistant Secretaries Nerie D. Bueno, Medmier G. Malig, Michael S. Villafranca, Constante A. Llanes Jr., at Joy M. Manginsay.

Dumalo rin sina House members Gil “Kabarangay Jr.” Acosta (Palawan), Julienne “Jam” Baronda (Iloilo), Marie Bernadette Escudero (Sorsogon), Alyssa Michaela “Mica” Gonzales (Pampanga), Jose “Bong” Teves Jr. (TGP), Marlyn Primicias-Agabas (Pangasinan), Antonio Tinio (ACT Teachers), Reynolds Michael Tan (Samar), Edgar Erice (Caloocan), Perci Cendaña (Akbayan), Sergio Dagooc (APEC), at Stephen James Tan (Samar).

Kasama rin sa hearing ang civil society groups tulad ng People’s Budget Coalition na nirepresenta ni Jose Montesa at Camille Fajardo ng Safe Travel PH, na nanawagan ng mas malinaw at transparent na budget process.

Sa gitna ng deliberation, inamin ni Secretary Dizon na may erroneous entries sa original budget at nagrekomenda siya ng ₱255.5-billion cut, na nagbaba sa total DPWH budget sa ₱625.8 billion. Malaking bahagi ng bawas ay galing sa ₱252-billion flood control projects na tinuring ng mga mambabatas na prone sa inefficiency at misuse.

Gayunman, nag-alala ang ilang kongresista na ang pagtanggal ng flood control funds ay magdudulot ng kawalan ng proteksyon para sa mga flood-prone communities. Si Rep. Edgar Erice ay nagbabala na unfair ito sa mga lugar na matagal nang naghihintay ng proyekto, habang si Rep. Rufus Rodriguez naman ay nanawagan na ibalik ang pondo para sa multi-year bypass roads.

Nagpasya ang komite na ipasumite ng DPWH at DBM ang kanilang corrections o errata bago ituloy ang deliberations. Nanindigan ang mga mambabatas na dapat siguraduhin na ang DPWH budget ay tama, malinaw, at makikinabang ang publiko.