Pope, nilatag ang daan para sa sainthood ni Gaudí

Abril 15, 2025 — Inanunsyo ng Vatican nitong Lunes na ang Simbahang Katolika ay nagtulak kay Antoni Gaudi, ang kilalang arkitekto sa likod ng Sagrada Familia sa Barcelona, patungo sa pagkabanal. Kinilala ni Pope Francis ang “heroic virtues” ni Gaudi at pinahintulutan ang isang dekreto na nagdeklara sa Catalan architect bilang “venerable,” ayon sa Vatican. Ito ay isang malaking hakbang patungo sa beatification, at kasunod na sainthood.
"It was a joy to receive the news... it is a recognition not only of his architectural work but something more important (Isang kaligayahan na matanggap ang balita... ito ay pagkilala hindi lang sa kanyang mga arkitektural na obra, kundi sa isang mas mahalagang bagay)," sinabi ni Cardinal Juan Jose Omella, Archbishop ng Barcelona. "Gaudi has left a testimony for us all... he is saying you... amid life's difficulties, amid work, amid pain, amid suffering, are destined to be saints (Nag-iwan si Gaudi ng isang patotoo para sa ating lahat... sinasabi niya na kayo... sa kabila ng mga paghihirap ng buhay, sa kabila ng trabaho, sa kabila ng sakit, sa kabila ng pagdurusa, ay itinadhana kayong maging mga santo)," dagdag pa ni Omella.
Ang beatification ay ipinagkakaloob sa mga indibidwal na martir, yaong mga namuhay na may mga heroic virtues, o may malinaw na reputasyon ng kabanalan. Kinakailangan din ang isang himala na naiuugnay sa kandidato pagkatapos ng kanilang kamatayan bago sila maitaas sa sainthood. Nagsimula ang proseso ng pagsusuri para kay Gaudi, isang visionary architect at debotong Kristiyano, noong 2003. Noong 2023, pormal na ipinag-utos ni Cardinal Omella ang isang grupo ng mga relihiyoso at layko upang magtaguyod para sa kanyang kaso.
Si Gaudi, na pumanaw noong 1926, ay kilala sa kanyang disenyo ng Sagrada Familia na hindi pa tapos, na itinanghal bilang isang lugar ng pagsamba ni Pope Benedict XVI noong 2010. Noong panahong iyon, pinuri ni Benedict ang henyo ni Gaudi, at binanggit na ang kanyang pananampalatayang Kristiyano ang nagtulak sa kanya upang gawing “praise to God made of stone (papuri sa Diyos na ginawa mula sa bato)” ang basilica.
Ang paglagda sa dekreto na ito ay ang unang opisyal na appointment sa schedule ni Pope Francis mula nang siya ay ma-discharge noong March 23, matapos ang limang linggong pagkaka-ospital dahil sa life-threatening pneumonia.
Larawan: uzhursky/Canva