Diskurso PH
Translate the website into your language:

Israel, naglunsad ng ground operasyon militar sa Gaza pagkatapos ng airstrike

Ipinost noong 2025-05-19 16:41:03 Israel, naglunsad ng ground operasyon militar sa Gaza pagkatapos ng airstrike

Maynila, Pilipinas- Naglunsad ang Israel ng malawakang airstrike sa Gaza, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 130 katao at pagsasara ng mga pangunahing ospital, kabilang ang Indonesian Hospital sa hilagang Gaza at Nasser Hospital sa Khan Younis.  

Ang mga ospital ay labis na napinsala, na nagdulot ng matinding krisis sa serbisyong medikal sa rehiyon. Ayon sa Israel Defense Force ang mga airstike ay tumama sa 670 na lugar na may kinalaman sa mga terrorista.

Ayon sa Gaza Health Ministry, kabilang sa mga nasawi ay mga kababaihan at bata, at maraming pamilya ang nawalan ng mga miyembro. May 464 na katao ang namatay dahil sa mga airstrike. Sa dami raw ng mga namatay, may mga buong pamilya ang nabuwag.

Ang isang dahilan para sa matinding pagkakaiba ng 130 laban sa 464, isang pagkakaiba na 334, ay dahil kasama sa 334 ang mga sibilyan nadamay o namatay sa kasalukuyang nagaganap na gera.

Sa pagkasira at paghina ng mga operasyon ng Hamas, sinimulan ng mga Israelita ang isang malaking pag-atake sa lupa na tinatawag na Operation Gideon's Chariots noong nakaraang linggo, na naglalayong sakupin ang teritoryo upang pilitin ang Hamas na palayain ang natitirang 58 bihag.

Nais din nila na umalis ang Hamas at hindi na armado. Bago magsimula ang operasyon, ang mga reserba ng Israel ay inihanda para sa isang pinalawak na opensibang militar, na siyang Operation Gideon's Chariots. Ang mga negosasyon para sa tigil-putukan ay patuloy na ginagawa sa Qatar.

Layunin nitong makakuha ng dalawang buwang tigil-putukan. Nais ng Hamas na palayain ang kanilang mga bihag kung lahat ng pwersang Israelita ay ganap na aalis sa Gaza. Ang kanilang hindi magkakatugmang mga kahilingan ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang labanan.