Ipinakilala ni Trump ang "Golden Dome" Missile Defense System!
Ipinost noong 2025-05-21 12:04:21
Maynila, Pilipinas- Ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ang paglulunsad ng "Golden Dome," isang ambisyosong proyekto sa depensa na naglalayong protektahan ang Estados Unidos mula sa mga banta ng misil, kabilang ang mga galing sa kalawakan. Sa isang pahayag mula sa Oval Office noong Mayo 20, inilarawan ni Trump ang sistema bilang isang multi-layered defense shield na may kakayahang harangin ang mga misil kahit na ito'y inilunsad mula sa kabilang panig ng mundo o mula sa kalawakan. Posibleng nakakuha siya ng inspirasyon mula sa Iron Dome missile defense systemng Israel.
Ang proyekto, na tinatayang aabot sa $175 bilyon ang halaga, ay inaasahang magiging operational sa loob ng tatlong taon, bago matapos ang termino ni Trump sa 2029. Gayunpaman, ayon sa Congressional Budget Office, maaaring lumampas sa $542 bilyon ang kabuuang gastos at tumagal ng dalawang dekada ang kompletong implementasyon.
Itinalaga ni Trump si Gen. Michael Guetlein ng U.S. Space Force upang pamunuan ang proyekto. Ang sistema ay inaasahang mag-integrate ng kasalukuyang ground-based defenses at mga bagong satellite-based technologies upang harangin ang mga banta mula sa ballistic, hypersonic, at cruise missiles.
Kabilang sa mga posibleng pribadong kasosyo sa proyekto ang SpaceX, Palantir Technologies, at Anduril Industries. Bagaman itinanggi ni Elon Musk ang opisyal na partisipasyon, may mga ulat na nagpapahiwatig ng potensyal na kolaborasyon.
Ang "Golden Dome" ay inihalintulad ni Trump sa "Star Wars" Strategic Defense Initiative ni Ronald Reagan noong 1980s, ngunit may mas malawak na saklaw at mas advanced na teknolohiya. Ayon kay Defense Secretary Pete Hegseth, ang proyekto ay isang "game changer" na magbibigay ng bagong antas ng seguridad sa Amerika.
Sa kabila ng mga pangako, may mga kritisismo mula sa mga eksperto at mambabatas mula sa Democrat Party. Tinukoy nila na wala malinaw na plano at detalyadong na paliwanag sa kung ano ang budgyet na kailangan at kung anu-ano ang mga inaasahang na gastusin. Dahil dito ayon kay Senador Jack Reed, ang proyekto ay maaaring maging isang "slush fund"..
