Diskurso PH
Translate the website into your language:

MatPat, Nagtalaga ng Grupo Para Maintindihan ng mga Mambabatas ang Internet!  

Ipinost noong 2025-06-13 20:29:16 MatPat, Nagtalaga ng Grupo Para Maintindihan ng mga Mambabatas ang Internet!  

Maynila, Pilipinas- Ang retiradong Youtuber na si Matthew Robert Patrick, na kilala sa kanyang internet name na MatPat, ay nag-announce sa X na siya at ang kanyang asawang si Stephanie ay nag-announce ng pagbubuo ng Creator Economy Caucus, isang grupo sa House of Representatives na naglalayong tumulong sa mga representatives na maunawaan ang internet sa pangkalahatan. Inimbitahan nito ang mga internet personalities kahit anong political alignment para maging bahagi ng grupo. Sa ngayon, 10 representatives ang kasama sa grupong ito. Layunin nitong gumawa ng legislation at policy na mas makakasense para sa mga online personalities sa internet age. Dalawang taon niya at ng kanyang asawa ginugol para mabuo ang grupong ito.

Kilala si MatPat sa Youtube channel na kanyang itinatag na Game Theory. Sa kasalukuyan ay may 19.6 million subscribers ito. Naging dahilan ito ng iba pang spinoff Theorist Channels tulad ng The Film Theorists at Food Theorists. Gumawa siya ng mga video tungkol sa video game theories na kapag pinag-isipan mo ay talagang makakasense tulad ng Humans are Pokemon at Why Star Fox has NO LEGS, The REAL Reason. Ipinakikita nito na siya at ang kanyang team ay gumawa ng extensive research para sa kanilang mga video. Gayunpaman may mga video na tila hindi sila nakagawa ng sapat na research kaya nagkakamali sila sa mga basic facts sa ilang video. Isa sa mga ito ay ang Persona's LOST Shadow... FOUND! (Persona 4). Nagpapahiwatig ito na siya at walang sinuman sa kanyang team ang naglaro ng Persona games nang sapat na detalyado. Kumpara sa ibang Youtubers, dapat tandaan na si MatPat ay hindi nakakuha ng mga major controversies na sumira sa kanyang reputasyon. Kaya naman kahit nag-retire siya bilang Youtuber noong January 9, 2024, ang kanyang reputasyon sa pangkalahatan ay nananatiling positibo. Ito rin ang nagpapaliwanag kung bakit ang reception sa initiative ay positibo sa pangkalahatan.