2-taong gulang na bata, nangagat ng cobra sa India; Sino kaya ang nasawi?
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-07-29 16:23:44
BANKATWA, BIHAR, INDIA — Isang dalawang taong gulang na batang lalaki ang gumulat sa buong komunidad matapos niyang patayin ang isang makamandag na cobra gamit lamang ang kanyang kagat.
Kinilala ang bata bilang Govinda Kumar, anak ni Sunil Sah, na noon ay naglalaro sa bakuran ng kanilang bahay sa Bankatwa village sa West Champaran district nang biglang lumitaw ang ahas. Ayon sa kanyang lola na si Mateshwari Devi, “We saw the snake in the child’s hand, everyone rushed towards him, but in the meantime, he already bit the snake, killing it on the spot”.
Ang cobra, na tinatayang may habang tatlong talampakan, ay pumulupot sa braso ng bata at tinuklaw siya. Sa halip na umiyak o tumakbo, kinagat ni Govinda ang ulo ng ahas nang sobrang lakas, dahilan upang mamatay ito agad. Matapos ang insidente, nawalan ng malay ang bata at agad na isinugod sa lokal na health center, saka inilipat sa Government Medical College Hospital (GMCH) sa Bettiah para sa mas masusing gamutan.
Ayon kay Dr. Saurabh Kumar ng GMCH, “Timely treatment saved Govinda’s life. The child’s condition is currently stable and treatment is being administered under the supervision of doctors." Dagdag pa niya, “We were surprised and cross-checked with his parents multiple times to ensure the child was not bitten by the cobra to rule out that venom had not gone into his bloodstream”.
Bagama’t may pamamaga sa mukha at bibig ng bata, hindi pumasok sa kanyang dugo ang lason ng ahas. “The child had eaten a part of the cobra and the venom had gone into his digestive tract, unlike in the cases where the cobra bites the person and venom goes into blood and triggers neurotoxicity,” paliwanag ni Dr. Kumar.
Ang insidente ay tinawag ng ilang lokal na residente na parang kwento ni Lord Krishna laban kay Kaliya Naag, isang mitolohikal na ahas. Sa kabila ng panganib, si Govinda ay ligtas na ngayon at patuloy na minomonitor ng mga doktor.
