Diskurso PH
Translate the website into your language:

Judge Frank Caprio ng ‘Caught in Providence,’ pumanaw sa edad na 88”

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-08-21 07:13:27 Judge Frank Caprio ng ‘Caught in Providence,’ pumanaw sa edad na 88”

USA - Pumanaw na si Judge Frank Caprio sa edad na 88 matapos ang matagal at matapang na pakikipaglaban sa pancreatic cancer.


Si Caprio ay kilala sa buong mundo bilang hukom ng Providence Municipal Court sa Rhode Island, USA. Mas nakilala pa siya sa programang “Caught in Providence”, kung saan naipapakita ang kanyang kakaibang istilo ng pamumuno sa korte. Sa halip na puro batas lamang ang pairalin, binibigyan niya ng malasakit at pag-unawa ang mga taong may simpleng paglabag tulad ng traffic violations.


Dahil dito, milyon-milyong manonood ang humanga sa kanya at naging inspirasyon ang kanyang kababaang-loob, malasakit, at paniniwala sa kabutihan ng tao. Madalas siyang magbigay ng desisyon na may kasamang pag-unawa sa pinagdadaanan ng mga akusado, bagay na nagpakilala sa kanya bilang “the compassionate judge.”


Bukod sa kanyang serbisyo bilang hukom, si Caprio ay isang mapagmahal na asawa, ama, lolo, at kaibigan. Ang kanyang pagiging magaan ang loob, pagpapatawa, at pusong maawain ay nag-iwan ng malalim na marka sa lahat ng nakasalamuha niya.


Magpapatuloy ang kanyang alaala sa mga mabubuting gawa at inspirasyong iniwan niya sa lipunan. Maraming nagpaabot ng pakikiramay at pagpupugay, at nananawagan na ipagpatuloy ang kanyang naiwan na pamana ng kabutihan at malasakit sa kapwa.

Larawan: Frank Carpio Fb Page