Elon Musk at Andrew Tate naglaan ng $1M bawat isa para sa murals ni Iryna Zarutska sa U.S.
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-13 03:06:52.jpg)
UNITED STATES — Naglaan sina Elon Musk at Andrew Tate ng tig-$1 milyon upang pondohan ang mga mural ni Iryna Zarutska sa iba’t ibang lungsod sa U.S., kasunod ng $500,000 na grant program na inilunsad ni Intercom CEO Eoghan McCabe. Layunin ng programa na magbigay ng “$500k sa anyo ng $10k grants upang ipinta ang mukha ni Iryna Zarutska sa prominenteng lugar ng mga lungsod,” ayon sa paanyaya ni McCabe sa mga artist.
Agad namang sumagot si Musk: “I will contribute $1M,” habang sinundan ito ni Tate: “Matched. 1M.” Nilalayon ng mural fund na kilalanin at ipaalala ang buhay ni Zarutska, isang 23-taong-gulang na Ukrainian refugee, na pinatay noong Agosto 22 habang nakasakay sa Charlotte’s LYNX Blue Line.
Inanunsyo ng Charlotte-Mecklenburg Police na ang suspek na si Decarlos Dejuan Brown Jr., 34, ay kakaharapin ng kaso ng first-degree murder. Ayon sa mga pederal na tagausig, kinasuhan din si Brown sa “act causing death on a mass transportation system,” na maaaring magdulot ng habambuhay na pagkakakulong o parusang kamatayan. Lumabas sa surveillance footage na inihain sa korte na inatake ni Brown si Zarutska ng tatlong beses mula sa likod bago lisanin ang istasyon.
Nilalayon ng proyekto na magbigay ng $10,000 grants sa mga artist para sa mga prominenteng lokasyon ng mural sa U.S. Sa ngayon, ang post nina Musk at Tate ay nakatuon lamang sa kanilang commitment sa halaga ng donasyon. Ang inisyatibong ito ay naglalayong mapalawak ang kamalayan sa kaso at magbigay pugay kay Zarutska. (Larawan: X, Google)