Diskurso PH
Translate the website into your language:

Viral Ngayon: Pari sa Nigeria, may baril na nakatago sa likod habang nagmimisa bilang paghahanda sa terorismo

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-26 00:13:15 Viral Ngayon: Pari sa Nigeria, may baril na nakatago sa likod habang nagmimisa bilang paghahanda sa terorismo

NIGERIA Isang Katolikong pari sa Nigeria ang nag-viral matapos malamang araw-araw siyang nagdadala ng nakatagong sandata sa likod habang nagmimisa, bilang paghahanda sakaling umatake ang mga terorista.

Ayon sa pari, ginagamit lamang niya ang armas kung hindi na umano kayang “daanín sa santong dasalan” ang banta, at kailangan na itong idaan sa “santong paspasan” para protektahan ang mga mananampalataya. Aniya, napilitan siyang magdala ng proteksiyon matapos ang sunod-sunod na pag-atake sa mga simbahan sa Nigeria, kung saan may mga pari at mananampalataya nang nasaktan at napatay.

Giit niya, hindi ito para sa karahasan, kundi para sa sariling kaligtasan at sa seguridad ng kanyang parokya, lalo’t patuloy ang banta ng extremist groups sa kanilang bansa.

Sa kabila nito, nanawagan pa rin ang pari ng pagkakaisa, pananalangin, at kapayapaan, habang umaasa na darating ang panahon na dasal na lamang ang kailangan, at hindi na armas. (Larawan: Facebook)