Nurse Even, ikinasal na sa longtime partner na si Paul sa isang intimate ceremony sa England
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-08-07 23:00:58
England - May forever nga! Nagpakasal na ang kilalang content creator na si Nurse Even sa kanyang longtime partner na si Paul, sa isang intimate at eleganteng seremonya na ginanap sa England.
Sa pamamagitan ng mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account (@lemesayeven), masayang ipinasilip ni Nurse Even ang ilang bahagi ng kanilang espesyal na araw. Kapansin-pansin ang simpleng ganda ng kasalan, na puno ng emosyon, kilig, at pagmamahalan.
Nagbigay ng mensahe ang ilan sa kanilang mga tagahanga at kaibigan sa social media, at bumuhos ang pagbati ng "Best wishes" at "Congrats" para sa bagong kasal.
Si Nurse Even ay kilala sa social media para sa kanyang mga kwelang videos, relatable content, at pagiging totoo sa kanyang pagkatao. Kaya naman maraming netizens ang natuwa at na-inspire sa kanyang love story na nauwi na sa “I do.”
Sa panahong tila maraming relasyon ang sinusubok, nagsilbing paalala sina Even at Paul na may mga kwento pa rin ng tunay at panghabambuhay na pag-ibig.