'Marry My Husband' actor Lee Yi Kyung, ibinulgar ng alleged victim — may mga lumabas na screenshots at bastos na mensahe
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-21 23:33:43
South Korea – Grabe! Trending ngayon sa South Korea at sa mga K-drama fan communities worldwide matapos mag-viral ang blog post ng isang alleged victim na nagsabing si Lee Yi Kyung, ang kilalang aktor mula sa hit drama na “Marry My Husband,” ay sangkot umano sa sɛxually explicit at abusive messages.
Ayon sa post, ibinahagi ng babae ang ilang screenshots ng kanilang chat exchanges at photos bilang ebidensya laban sa aktor. Kahit daw marami sa mga messages ang nawala matapos siyang magpalit ng phone, sinikap pa rin niyang maibalik ang ilan para “ipakita ang tunay na ugali” ng aktor.
Sa mga kumalat na screenshots, makikita umano ang mga bastos at disturbing messages na ipinadala ni Lee Yi Kyung, kabilang na ang ilang roleplay-type na usapan at sexual demands na agad nagpataas ng kilay ng netizens.
Isa sa mga quoted exchanges ay nagpapakita ng mga umano’y threats at inappropriate remarks, na ayon sa netizens ay “way out of line.”
Dagdag pa ng alleged victim, noong una ay inakala niyang harmless lang at “acting” ang mga sinasabi ng aktor, pero kalaunan ay naging uncomfortable at traumatic na raw ang sitwasyon.
Kabilang din sa mga ibinahaging mensahe ang mga usapan tungkol sa physical appearance, sexual preferences, at isang “BDSM test” link na umano’y ipinadala ni Lee Yi Kyung mismo.
Dahil dito, umani ng matinding reaksyon online — maraming fans ang nanghihinayang dahil sa posibleng madungisan ang imahe ng aktor, habang ang iba naman ay nanawagang imbestigahan agad ang isyu para malinawan ang katotohanan.
As of now, wala pang opisyal na pahayag si Lee Yi Kyung o ang kanyang management tungkol sa kumakalat na mga alegasyon.
“Sobrang nakaka-shock. Siya pa talaga?!” — komento ng isang fan.
“We need to hear both sides, pero kung totoo ‘to, grabe!” — dagdag ng isa.
Patuloy pa ring binabantayan ng publiko kung maglalabas ng opisyal statement ang kampo ng aktor sa gitna ng kontrobersiyang ito.