Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kevin Federline, sinabing ‘hindi sapat’ ang $40K buwanang sustento ni Britney Spears para sa kanilang mga anak

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-21 23:21:46 Kevin Federline, sinabing ‘hindi sapat’ ang $40K buwanang sustento ni Britney Spears para sa kanilang mga anak

Oktubre 21, 2025 – Halos dalawang dekada raw na tumatanggap ng $40,000 kada buwan si Kevin Federline mula kay Britney Spears, pero ayon sa kanya, hindi pa rin daw iyon sapat.


Sa nalalapit niyang memoir na You Thought You Knew, ibinunyag ni Federline na matapos silang maghiwalay ng pop icon, tumanggap siya ng $20,000 bilang child support at karagdagang $20,000 bilang alimony—sa loob ng kalahati ng haba ng kanilang dalawang taong kasal.


Pero kahit pa gano’n kalaki ang halaga, sabi ni Kevin, mabilis daw itong nauubos sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na sina Sean Preston at Jayden James sa Los Angeles.


“The money didn’t stretch as far as you’d imagine,” ani Federline, na idinagdag pang umaabot daw sa mahigit $40,000 kada buwan ang mga gastos nila dahil kailangang mapanatili ang “lifestyle” na nakasanayan ng mga anak mula sa kanilang sikat na ina—kasama na raw dito ang security at iba pang luho.


Ang pahayag ni Federline ay inaasahang magiging isa sa mga pinaka-pinag-uusapang bahagi ng kanyang libro, lalo na’t ilang taon nang tahimik ang panig ni Britney matapos siyang makalaya sa conservatorship noong 2021.


Marami namang fans ni Britney ang agad nag-react online, tanong ng ilan: “$40,000 a month, hindi pa sapat?”