Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pass sa maitim ang singit? Netizens, nag-react sa viral interview

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-21 10:51:16 Pass sa maitim ang singit? Netizens, nag-react sa viral interview

Oktubre 21, 2025 – Trending ngayon sa social media ang dalawang lalaki matapos magbigay ng pahayag na tila “turn off” daw para sa kanila ang mga babaeng may maitim na singit — at ayon pa sa kanila, “unpleasant” daw itong tingnan.


Ang naturang post, na unang kumalat sa Facebook ay mabilis na naging sentro ng tawanan, inis, at diskusyon online. Sa caption

“Trending ang dalawang lalake na ‘to dahil nakaka-turned off daw para sa kanila na maitim ang singit ng mga babae… kaya mga kababaihan hindi maiwasang rumebat haha laughtrip! "


Agad itong pinusuan, shinare, at pinagtalunan ng mga netizens, lalo na sa mga comment section na halos punô ng rebuttals mula sa mga kababaihang hindi nagustuhan ang sinabi ng dalawang lalaki.


“Baka naman singit n’yo rin di perpekto, chill lang!” sabi ng isang netizen.

“Mga babae, huwag na maapektuhan. Lahat ng singit ay may karapatang mamula o umitim!” biro pa ng isa.


Ngunit lampas sa tawanan, marami rin ang nagbigay ng seryosong opinyon tungkol sa body shaming at colorism. Para sa kanila, patunay ito na marami pa ring tao ang nakatali sa “maputi equals maganda” mindset.


“Hindi dapat ginagawang sukatan ng hygiene o ganda ang kulay ng singit. Normal ‘yan lalo na sa mga morena,” komento ng isang user sa viral thread.


Samantala, may ilan ding nagpaalala na natural lang magkaroon ng “preferences” basta’t hindi ito ginagamit para mang-insulto o mamahiya ng iba.

Pero karamihan sa mga reactions ay pabor sa mga kababaihan na nagsabing self-confidence at natural beauty ang mas mahalaga kaysa sa kulay ng balat.


Ang post ay umani na ng libu-libong reactions at shares, habang patuloy na ginagawan ng memes at parodies sa TikTok ang usaping ito.


Sa dulo, marami ang natawa—pero mas marami rin ang napaisip.

Tulad ng sabi ng isang top comment:

“Kung singit pa lang ini-issue mo, baka ‘yung ugali mo ang mas dapat mong paputiin!”