Diskurso PH
Translate the website into your language:

Jodi Sta. Maria, Janella Salvador, Francine Diaz, at Chef JP Anglo, nagsama sa reality cooking show kasama si Ji Chang-wook

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-27 23:16:51 Jodi Sta. Maria, Janella Salvador, Francine Diaz, at Chef JP Anglo, nagsama sa reality cooking show kasama si Ji Chang-wook

Oktubre 27, 2025 – Mukhang isang world-class collaboration ang naganap sa South Korea dahil nagsama-sama sina Jodi Sta. Maria, Janella Salvador, Francine Diaz, at Chef JP Anglo sa isang reality cooking show kasama ang Korean superstar Ji Chang-wook!

Sa Instagram post ni Chef JP, ibinahagi niya ang ilang behind-the-scenes clips mula sa kanilang shoot. Makikita sa video ang exciting mix ng Filipino at Korean culture sa iisang kusina, na sinabayan pa niya ng caption na, “Two cultures. One kitchen. Korean & Philippine exchange.”

Agad namang kinilig ang fans sa comments section lalo na nang makita si Ji Chang-wook sa video.

“Wow chef, you’re with Ji Chang-wook! My idol!” ani ng isang netizen.

Bagama’t wala pang inilalabas na detalye tungkol sa title o airing date ng show, marami na ang nag-aabang dahil first time magkakasama ang mga sikat na Kapamilya stars at ang Korean heartthrob sa iisang proyekto.

Kamakailan lang ay bumisita si Ji Chang-wook sa Pilipinas para sa anniversary event ng isang wellness brand. Sa presscon, inamin niyang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niyang bumalik-balik sa bansa ay ang init ng pagtanggap ng mga Filipino fans.

 “I think the biggest factor is the love from the fans... I always wanted to come back here in the Philippines,” pahayag ni Ji.

Bilang isa sa mga top Korean actors, pinasalamatan din niya ang patuloy na suporta ng mga tagahanga sa loob at labas ng Korea.

“To be recognized and be loved by fans abroad… it gives me a mindset that I want to be a better actor and work on better projects,” dagdag pa niya.

Excited na ang netizens kung anong klaseng chemistry ang makikita sa pagitan nina Ji Chang-wook, Jodi, Janella, Francine, at Chef JP sa reality show na ito na siguradong puno ng food, fun, at cultural exchange!

Screenshot: Chef Jp Anglo Instagram