Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kathryn, Mommy Min may tampuhan nga ba?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-03-31 16:30:31 Kathryn, Mommy Min may tampuhan nga ba?

Kapansin pansin ang tila katahimikan ni Min Bernardo para sa ika-30 kaarawan ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo. Ilang araw na ang lumipas mula nang magdiwang ng birthday ang aktres noong March 26, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang sweet birthday message mula sa kanyang ina. Kaya naman ang tanong ng mga marites sa social media: may tampuhan nga ba ang mag-ina, o nagkataon lang na tahimik si Mommy Min ngayong taon?

Sanay kasi ang fans na taon-taon ay may emosyonal at mahahabang birthday greeting si Mommy Min para sa bunsong anak. Kaya ngayong wala pa ring ganitong post, hindi maiwasang magtaas ng kilay ang ilan. Busy lang ba si Mommy Min o may pinagdadaanan kaya hindi muna siya nagpo-post? O baka naman may surprise message na paparating?

Pero ayon sa mga netizen na nagbabantay sa social media activity ni Mommy Min, hindi naman niya tuluyang dinedma ang birthday ng anak. Napansin kasi na pinupusuan at ni-like niya ang ilang birthday posts para kay Kathryn online. Ibig bang sabihin nito ay tahimik lang siyang nagmamasid? O sadyang ayaw lang niyang gawing public ang pagbati sa anak?

Samantala, lalo pang naging intriguing ang sitwasyon dahil tila sa abroad nag-celebrate ng birthday si Kathryn at hindi kasama ang kanyang pamilya. Kaya tuloy mas dumami ang tanong ng fans: bakit hindi sila magkakasama sa espesyal na araw na ito? May ibang plano ba ang pamilya o sadyang private lang ang selebrasyon ng aktres?

Mas lalong nagkaroon ng intriga dahil may mga tsismis na kasama raw ni Kathryn sa trip ang napapabalitang special someone niyang si Mark Alcala, kasama ang ilang kaibigan. Pero hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na resibo—walang kumakalat na larawan o video na magpapatunay kung totoo nga ba ito. Secret getaway ba ito o sadyang maingat lang si Kathryn sa pag-share ng personal na buhay?

Sa kabila ng mga haka-haka, nagpasalamat naman si Kathryn sa lahat ng bumati sa kanya. Sa kanyang social media, ipinakita niya ang mga natanggap na cakes, cards at flowers mula sa fans at mga kaibigan. Pero aminado ang mga tagasubaybay niya na may isa pa silang hinihintay: ang pagbati ni Mommy Min.

Magpaparamdam pa kaya si Mommy Min ng birthday message para kay Kathryn? O talagang may something na dapat abangan sa pagitan ng mag-ina?