Kumalat na photo nina Sarah Lahbati at Marty Romualdez, usap-usapan sa social media
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-29 19:49:04
Oktubre 29, 2025 – Mainit na naman sa online world si Sarah Lahbati matapos kumalat ang mga screenshot ng diumano’y “kandong photo” nila ni Marty Romualdez, anak ni dating House Speaker Martin Romualdez at kasalukuyang konsehal sa Samar.
Ayon sa mga ulat, unang lumabas ang nasabing larawan sa post ng social media influencer na si Natalia Ortega, na agad namang kumalat sa Reddit at iba pang platforms. Makikita umano sa larawan na tila nakasandal si Sarah kay Marty, habang sa isa pang shot ay solo si Sarah.
Bagaman maraming netizens ang naniniwalang sila nga ang nasa larawan, may ilan ding nagsasabing posibleng AI-generated lang ito. Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang kumpirmasyon mula sa panig ni Sarah o ni Marty tungkol sa naturang mga larawan.
Matatandaang noong Hunyo, lumabas na ang mga tsismis na may special relationship ang dalawa. Ayon sa isang source, nagkakamabutihan daw noon sina Sarah at Marty, ngunit hindi raw ito nagtagal matapos ang isang umano’y insidente sa bar kung saan pareho silang nalasing.
“Hindi rin kasi nagtagal dahil mas bata si Marty,” ayon sa source, sabay sabing maganda raw ang samahan nila noong una dahil matalino, guwapo, at mayaman daw si Marty na nag-aral pa sa Amerika.
Hindi rin naging public ang diumano’y relasyon nila, na naganap umano bandang Mayo hanggang Hunyo. Pagdating ng Agosto, muling nilinaw ni Sarah na siya ay “single at masaya.”
Si Richard Gutierrez, dating asawa ni Sarah, ay una nang umamin na nasa proseso na sila ng annulment matapos ang kanilang paghihiwalay noong 2023. Sa ngayon, maayos ang kanilang co-parenting setup para sa mga anak nilang sina Zion at Kai.
Kamakailan lang, naging mainit na paksa din si Sarah nang mapansing in-unfollow niya si Sofia Andres sa Instagram. Nadawit pa siya sa isyu ng hiwalayan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, na parehong tinawanan ng magkaibigan.
Habang patuloy na pinag-uusapan ang kumakalat na larawan, nananatiling tahimik si Sarah sa gitna ng panibagong kontrobersiyang ito — at tila pinipiling manatiling kalmado sa gitna ng ingay ng social media.
