Magui Ford, inamin: Stress na stress ang mga kapatid sa closeness ni Lella sa PBB
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-29 23:10:08
Oktubre 29, 2025 – Aliw na aliw ang mga netizens matapos ibahagi ni Magui Ford kung paano na-stress ang kanyang mga kapatid na sina Daniel Padilla at Carlito Padilla habang pinapanood ang bunsong si Lella Ford sa loob ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 Edition.
Si Lella, isa sa mga teen housemates ng Kapamilya reality show, ay agad nakakuha ng atensyon ng publiko. Kahit hindi pa umaabot ng isang linggo sa programa, napuno na ng fan edits sa social media ang kanyang mga kuha kasama ang ilan sa kanyang male co-housemates. Isa sa mga fan edit na tumambad kay Magui ay ang pagiging malapit ni Lella kay Joaquin, anak ni Neil Arce.
Sa isang nakakatawang comment, sinabi ni Magui, “My brothers are stressing. HAHAHAH,” na agad umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa fans na natuwa sa kanyang pagbibiro.
“Lahat ng edit nila hinihintay ko ang comment ni Magui, stress na stress na siya,” ani ng isang netizen. May isa namang nagbiro, “DJ na tagpuan sa labas ng bahay ni Kuya [laughing emoji].”
Ang ilan naman ay nag-imagine ng nakakatawang eksena sa labas ng PBB house. “Magui awatin mo si DJ baka sugurin si Kuya sa confession room,” biro ng isa. “For sure yung mother kilig na kilig habang stress naman yung mga kapatid,” dagdag ng iba.
Naalala rin ng mga fans ang October 28 episode kung saan naging emosyonal si Lella dahil pakiramdam niya ay palaging nasa anino ng pamilya at nahihirapang makilala ang kanyang sariling achievement. Sa kabila ng usap-usapan, nag-react ang kanilang ina na si Karla Estrada, at sinabing wala raw dapat patunayan si Lella kanino man, pinapakita ang kanyang suporta at pagmamahal sa bunsong anak.
Ang masayang dynamics ng magkakapatid at ang paglalakbay ni Lella sa loob ng bahay ni Kuya ay patuloy na pinag-uusapan at abangan ng mga PBB fans sa susunod na mga episode.
Larawan mula sa Pbb Collab 2.0/Google
